NOVEMBER 1
Haaaay ang bilis ng araw! Excited na ko sa hiking namin! Pero wag kayo, hindi pa ako pinapayagan ni amang. Pero naniniwala ako na papayagan ako ni amang, may tiwala naman kasi sila sa kin. Aba, wala naman kasi akong ginagawang kalokohan. Yung mga buntis2 factor na uso ngayon? Suuuuuuuuuus. Masyado kasing mapusok ang mga kabataan ngayon kaya pati yung mabubuting nilalang nadadamay. TSK. Ang hirap tuloy magpaalam pag overnight ang lakad.
Kung kakamustahin nyo kami ni Zeke, ayun, ayos lang naman kami. Nanood nga kami ng sine last time. Syempre sagot nya lahat. Unang date ulit e. Si Ivan naman, ayun, medyo bihira sya magparamdam ngayon. Hindi nga nagtetext e. PMS? HAHA namimis ko tuloy yung mokong na yun. Kahapon naman, tumambay kami kasama ang gang kina Rj. Wala lang. meeting konti tungkol sa hiking.
Anyways, kakauwi lang namin galing cemetery.
*tumunog ang phone*
“bumaba ka na. Kakain na.” - ate Lian. Ayy, 7:46 na pala.
“OTW na. ;)” message sent.
Habang nagdidinner…
“Amang! Ano na? sa isang bukas na yung hiking namin e.” – tanong ko
“……….” – amang. Ugh? Wapakels pa rin?
“Pwede na ba ko sumama sa hiking amang?”
“Overnight kasi yun neng.” – Inang
“Inang naman. Don’t you trust me?” idadaan ko na lang sa drama. Mehehehe
“Sinu-sino ba kayo pre?” – Kuya Liam
“Hs friends nga e. Kami-kami lang din. Ako, si Ilynni, Shannan, Seira, Kate, Jeero, Dylan, Justin, Floid, Migz, Kiel, Zeke…”
“Hindi namin kilala yung iba.” – ate Lian
“Eh? Andun naman sina Shannan e.”
“Kasama si Zeke?” – Kuya Liam
“Yeps.”
“Papayag ako pag sinama mo si Ivan.” – Kuya Liam. WHAT!? Joke time ba to?
“Hoy pre, hindi ako sayo nagpapaalam. Hindi ko kailangan ang permiso mo.”
“Amang o, ayaw ako sundin.” – kuya Liam. Aba, at sya pa nga ang nagsumbong.
“Papayag ako pag sinama mo si Ivan.” – amang. WTHECK? Si kuya kasi gatong e!
“Eh amang, HS friends ang kasama e. Hindi siya close sa iba. Alam nyo na, awkward.”
“Ayos naman si Ivan a, tingin ko naman magaling sya makisama.” At gumatong din si ate Lian
“Eh pano pag ayaw nila?”
“Ayaw ko din” – amang. WHUT!?
“Hoy kuya, bakit ba ganun kalaki ang tiwala nyo kay Ivan?” tanong ko.
“Kasi mapagkakatiwalaan sya.” – Kuya Liam. Wow ha. Malaman ang sagot nya.
“Pano mo nasabi?”
“Kasi pag may nangyaring masama sayo, tatawid lang kami ng highway kung susugurin naming sya.” – kuya Liam.
“Ang mean mo naman! Para namang hindi tiwala yun kuya.”
“Neng, mabait kasi syang bata. Tingnan mo o, lagi ka nyang tinutulungan. Parang tinatake ka nya as responsibility nya kaya panatag kami na hindi ka nya papabayaan.” – Inang. Woah? Ganun na pala ang tingin nila kay Vano! Hanep!
“E di parang burden naman ako sa kanya?”
“oo pre, pabigat ka.” –Kuya Liam. Kainis to!
BINABASA MO ANG
No Strings Attached
RomanceA song says "Lucky I'm in love with my best friend"... But will you consider yourself lucky if you're afraid to be in a relationship? Or will you consider yourself lucky if you're afraid to lose your friendship? Will you stay away and cut the strin...