LEEANNE’s POV
Ngumulat ang aking mata, at nasilayan ko ang.... pader. Ang sakit lang ng mata ko. Hindi ko kasi mapigilang magisip ng magisip tungkol sa problema namin ni Zeke. HAIST.
Ilang minuto na kong nakatitig sa pader. Ahh... Na kina Ivan nga pala ako ngayon. Gumulong ako sa kama para humarap sa kabilang direksyon at dumungaw sa baba para silipin si Ivan. Nakapikit pa sya.
Pffffffffffffffffffft. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHA Naalala ko tuloy yung nangyari kagabi. :D
*Flashback*
Pumunta si Ivan sa banyo. Intayin ko lang daw sya at iuuwi nya na ko. Pumunta ako sa terrace para magpalamig...
“Ayy, sayang naman to.” Nasabi ko na lang sa sarili ko nang makita yung isang boteng San Mig na natira. Kinuha ko yung pambukas ng bote at binuksan yon.
“Hindi naman siguro masama kung pilitin kong makalimutan ang mga gumugulo sa utak ko ngayon.” At nilaklak ko ang laman ng bote, straight... Bottoms up.
*End of Flashback*
Pagkaubos ko ng beer, dumating si Ivan. Sakto ang dating nya kasi sukang-suka na ako. Ayun, binuhat nya ko papuntang banyo at nagsuka na nga ako. Pagkatapos nun, hindi ko na maalala e. Pero sa tingin ko, nakatulog ako. Ang sama pa nga ng panaginip ko e. Sinabi ko daw kay Ivan na gusto ko sya at... at hinalikan ko daw sya. HUH! What a NIGHTMARE.
Hindi ko masyado maalala lahat ng nangyari kagabi e. Hindi ko nga alam kung sa banyo ako nakatulog kasi naman nung nagising ako nasa banyo din ako. Nagsuka ulit ako at sinaid ko na lahat nung oras na yon para mawala na talaga yung tama ko. Pagkalabas ko ng kwarto, nakita kong may nakahandang damit. Naisip kong si Ivan ang naghanda nun. Pagkatapos kong magbihis, nakarinig ako ng footsteps mula sa labas. Syempre sigurado akong si Ivan yun. At dahil nga magaling ako, nagpanggap akong lasing pa rin. Para makaganti sa ginawa nya sakin nung nalasing sya dati, yung cassanova types moment nya. Ginaya ko yung seduction moves nya ang kaso lang, nahuli nya ko. I guess I’m not a good actress. Pero ang saya ko pa rin. Natatawa talaga ko sa pangyayaring yun. HAHAHAHA Alam ko medyo naasar pa rin sya. :D Feeling ko nakaganti pa rin ako kahit medyo fail. :))
“Hihihihihihihihihihihih” mahinang tawa ko. Hmmm... anong oras na ba?
Tiningnan ko yung phone ko... O.o 6am pa lang? Nakatulog ba ko talaga? I can’t believe it. Dalawang oras lang akong natulog. -_-
Pero hindi na ko inaantok e. Hmmmmm.... ALAM KO NA! Gagayahin ko na lang ang style ni Vano! Ipagluluto ko na lang din sina tita. Nakakahiya naman e, nakitulog pa ko sa kanila. Tapos dadamihan ko na yung iluluto ko para may maiuwi ako sa bahay para pansuhol naman kina amang. HAHAHAHA! Ang talino mo talaga Leeanne Faye!
Nagtiklop na ko ng kumot at dumeretso sa banyo para maghilamos. Himala, hindi sumakit ang ulo ko. Di na yata ako tinatablan ng hangover? TAMA. Maganda yan para mas makapagluto ako ng ayos.
Lumapit ako sa pinto at dahan-dahang pinihit ang door knob para hindi magising si Vano...
*squeekzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz* (okay, walang maisip na sound effect)
“And where do you think you’re going?” – Ivan. Hala. Grabe naman to matulog. Konting tunog gising na agad. O.o
“Uhm... ano... sa kusina.”
“Why?”
“Ah eh... magluluto.” Sagot ko.
“Are you serious?”
“Tingin mo joke yun?”
“Are you planning to kill my parents?” ABA! Agang-aga pinaglololoko ako neto ah.
BINABASA MO ANG
No Strings Attached
RomanceA song says "Lucky I'm in love with my best friend"... But will you consider yourself lucky if you're afraid to be in a relationship? Or will you consider yourself lucky if you're afraid to lose your friendship? Will you stay away and cut the strin...