-----16th string-----

300 2 0
                                    

“Hoy bat nandito ka?” tanong ko

“Bakit? Kala mo ikaw lang imbitado no.” – kuya Liam

“Bakit ngayon lang kayo?” – ate Lian. Aba! At isa pa to? Close na din ba talaga sila ni Ivan?

“Mahabang proseso ang ginugol nila para pagandahin to e.” – Ivan

“Bakit nga kayo nandito?” tanong ko

“Sina amang tanungin mo.” – kuya Liam

“Huh? Wag nyong sabihing pati sina inang...”

“Yeah, they’re here.” – Ivan. O.o

“Haa? Bakit?”

“Mamaya ko na ieexplain. Tara na.” Tapos hinawakan nya ulit ang kamay ko. “Sandali lang po ah.” Sabi nya kina ate Lian.

Dug dug.. dug dug.. Dug dug..

Aba lokong to ah. Wala na ngang hagdan may paghawak pa ring nalalaman. San naman kaya ako dadalhin nito? Lakad...Lakad...Lakad. At sa paglalakad naming yon, ngumingiti talaga sakin ang mga nakakasalubong ko. Grabe lang, ang babait naman nila. Ramdam na ramdam ko ang hospitality nila. Bakit kaya ganun? Si Vano lang yata ang hindi hospitable sa kanila e. -_- Lalo na nung unang pagtatagpo namin, naalala ko tuloy. Napagkasungit e.

Tumigil na kami sa paglakad at nasa harap kami ngayon ng table ng apat na tao. At sa apat na yon, dalawa dun ay parents ko...

“Ma, pa, this is Faye. She’s the one I’ve been telling you since then.” – Ivan. Wow ah. So talagang chinichika nya ko ng bonggang-bongga sa parents nya?

“Good evening po! Ako po si Leeanne Faye. Kinagagalak ko pong makilala kayo!” sabi ko ng nakangiti ng malawak.

Nakangiting tumayo ang mama nya tapos lumapit sakin tapos... hinug nya ko?

“Hello iha! I’m glad to finally meet you! Alam mo ba lagi kang kinukwento ni Phil samin ng papa nya.” – tita

Napatingin ako kay Ivan, nakangiti sya. Aww gwapo. Joke. Napatingin naman ako sa parents ko. Mga nakangiti din sila. Okay, anong meron?

Kumalas na sa pagyakap yung mama ni Ivan.

“Ang ganda-ganda mo naman iha. I’m sure mabait ka din gaya nina Grace.” Tapos tumingin sya kay Inang.

“Uhm, kilala nyo po sina Inang?”

“Of course iha. Highschool friends kami no.” Ano daw? “Halika upo ka dito, malapit na magstart yung mini-program namin. Phil, dito na kayo pumwesto ha. Gusto kong makakwentuhan ang dalagang ito.”

So there, nagstart na yung party. Ang saya! Ang sasarap ng pagkain, may mga nagiintermission number, tapos may mga games! At ang cute ng mga pinsan ni Ivan ah, lalo na nung sumayaw sila ng gentleman.  Kami naman nina tita, wagas ang chikahan. Aba, ang saya nga kasi nagtatagalog sila e kahit na matagal na sila sa States. Aba, nagdurugo na siguro ang ilong ko kung sakali. Nalaman kong magkakaklase pala silang apat mula first year hanggang fourth year high school. Oo, silang mga parents namin. Noon, hangang-hanga ko kina Inang kasi nagkatuluyan sila kahit highschool pa lang sila nung naging sila. Pero sina tita ganun din pala. At si tito, halatang sobrang malapit sila ni amang. Aba magkaugali, pinagyayabang na habulin sila ni amang ng chix noon. Ayun, hindi tuloy ako makasali sa mga laro kasi nga kakwentuhan ko sila. Nag-eenjoy din naman ako kasi mga kalokohan nilang apat nung highschool yung mga shineshare nila e.

“AHAHAHAHA! Si tito talaga, para ka pong si amang e.” sabi ko.

“Nako iha, sinabi mo pa.” – tita

No Strings AttachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon