Time Check, 7:19pm. Nandito ako ngayon sa labas ng bahay nina Vano. Tama, nasa labas ako ng bahay nina Vano. Matapos akong ayusan at pagbihisin at pagsuotin na naman ng mataas at tulis na sapatos, nakatricycle akong hinatid este tinapon ng mga bruha dito. Walang sabi-sabing pinababa nila ako at umalis sila agad-agad. Ano bang problema ng mga tao ngayon? >.<
Ngayon, hindi ko alam kung bakit ako nandito. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Ni hindi ko nga alam kung bakit nila ginawa sa kin to. Ano bang meron? Mukha namang walang katao-tao dito sa bahay nina Vano. Pinagtitripan ba nila ko? Happy birthday to me ah. -__________-
At hanggang ngayon nga, nakatayo pa rin ako dito sa labas. Bukod sa medyo hirap akong ilakad tong pagkataas-taas na sapatos na to e hindi ko naman alam kung anong meron dito. Hindi ko al..
*tumunog ang phone*
“Tanga, pasok na!” – Ilynni
At natanga pa nga ako. Sorry naman ah! Wala naman kasi silang sinabi sakin kung anong dapat kong gawin ngayon e! Teka nga. Bat alam nyang di pa ko napasok? Minamatyagan ba nila ako? WHAT IN THE WORLD IS HAPPENING!?
Nagsimula na kong ihakbang ang aking mga paa. So far so good. Di pa ko natatapilok e. Mehehehehe. Dahan-dahan lang ako sa paglakad since ayokong madapa at lalong ayokong madumihan ang bonggang-bongga dress na regalo sa kin ni Vano.
It’s a violet cocktail dress. Simpleng fit na dress na tube lang sya sa loob na medyo maiksi tapos merong see-through na long sleeve sa right arm na may design na beads na parang diamond na abstract sa kanang balikat, then may see-through din na skirt sa labas ng dress, maiksi sya sa harap pero 4 inches below the knee sya sa likod. Plus samahan pa ng 4 inches pumps na may design din na parang diamonds na beads. (A/N: bare with me guys, wala kong talent sa pagdedescribe. HARHAR)
Can you imagine that? Honestly, I feel drop dead gorgoeus tonight because of my outfit. I feel slightly uncomfortable though. Sorry ha, hindi ako sanay magpagirl masyado e. Medyo masakit pa sa paa yung sapatos. -________-
“Vano! Yuhoooooooo! Andyan ka ba?”
Nandito na ko sa loob ng bahay nina Vano pero wala pa ring tao. Ni wala akong makitang anino ng butiki dito e. Nagpagala-gala ako sa loob ng bahay nila mula kusina (dun talaga ako nagsimula e, medyo gutom na), tapos sa sala, sa banyo.. Di na ko umakyat sa kwarto nya since nahihirapan nga ako maglakad.
“Hoy Vano! Nasan ka ba? Bat mo ba ko pinapapunta dito? Ba...”
*tumunog ang phone*
“Sa garden ka pumunta. Shunga.” – Seira
Ay sorry naman ah. Bat nga ba di ko naisip yun? Di nyo sinabi e.
Pumunta ako sa kusina saglit at dumukot ng isang sky flakes. Gutom na ko talaga e. Pumunta na ko sa bandang likod ng bahay nila para pumunta sa garden. Kinagat ko muna ang biskwit na dala ko at iniwan yun sa bunganga ko para mabuksan ang sliding door. Pagbukas ko...
(*0*)
Yung garden nina Vano, ang bongga. May party yata? May mga nakaset up na naman na tables and chairs na bongga, may stage na bongga, nagkalat ang pink and violet petals sa bermuda grass nila ng bonggang-bongga, may red carpet pa nga mula dito sa terrace pababa sa garden, paakyat sa mini stage. May isang long table pa na puro pagkain! Shocks tamang-tama gutom na ko.
Pero alam nyo ba kung anong pinakabongga sa lahat?
WALANG TAO.
Oo tama ang pagkakabasa nyo. Wala talagang tao. Lalo tuloy akong naguluhan sa mga nangyayari. Pero isa lang ang alam ko, gutom na ko ng bonggang-bongga. Wala namang tao kaya chichibog muna ako.
BINABASA MO ANG
No Strings Attached
RomanceA song says "Lucky I'm in love with my best friend"... But will you consider yourself lucky if you're afraid to be in a relationship? Or will you consider yourself lucky if you're afraid to lose your friendship? Will you stay away and cut the strin...