------23rd String-----
AUGUST 19
WAAAAAAAAAH Wala daw pasok bukas. Akalain nyong nasuspend ang klase. Kala ko water proof mode na naman kaming mga kolehiyala e.
Grabi lang feel na feel ko ang bagyoness. Walang tigil ang malakas ng ulan. Katakot. >.< Anyways, ang dami ko pang gagawin, makapag-aral na nga. Gusto ko naman maging productive ang gabing to kahit walang pasok bukas.
Pero dahil mabuting bata ako, Nagbukas muna ako ng Facebook.
After magcheck ng notifs, pinuntahan ko ang inbox ko. May message si Vano. WOW, namiss na siguro ako nito. Ilang araw na kasi syang nasa Manila kasi may pinapaasikaso sina tita sa kanya. Dun sya nagsstay sa dati nilang bahay.
Binuksan ko na yung message nya.
WHAT THE F*CK.
Picture ni Zeke. Kasama si Blaire, na may hawak na white rose.
Ivan: I thought you need to know.
Hindi sya OL ngayon kaya I didn’t bother replying.
BULLSH*T. I’m F*cking hurting.
6 months. 6 freaking months Leeanne Faye. Akala ko ba nakamove-on ka na? Hindi mo na nga sya masyado naiisip ngayon diba? Ang ganda na nga ng takbo ng buhay mo e. Well-concentrated ka na sa pag-aaral mo. Wala ka nang kaproble-problema. Bat affected ka na naman ngayon?
Teka nga. Anong affected ang sinasabi mo dyan? Baka naman nagulat ka lang.
*hingang malalim*
Oo Faye, nagulat ka lang. Maybe I should test myself.
I clicked the search bar and started typing his name.
Ayan na, nasa profile nya na ako. I started navigating. Pumunta ako sa tagged photos nya. And there, I found it. So totoo nga.
Tiningnan ko na yung mga comments.
Kesyo ang gwapo nya daw don.
Kesyo bagay daw sila.
Pero ang nakakainis sa lahat. May nagcomment pa na gawin daw DP.
That’s bullsh*t.
Ayoko na. Badtrip na ko. Tanga mo talaga Leeanne Faye. Hindi ka pa rin nakakamove-on. Yoko naaaaaaaaaa! Kumikirot na naman yung puso ko literally. >.<
Around 12:30am, gising na gising pa rin ang diwa ko. Nandito ako sa sala at paFb-fb na lang sa netbook. Wala namang pasok e. Tsaka, nabobother talaga ko sa nakita ko. It’s freaking disturbing my precious mind.
Teka, sinabi ko bang 12:30am na? Birthday na ni Jeero!
I took my phone and dialed his number.
“HAPPY BIRTHDAY Jeero!”
“Uy, salamat.” Walang ganang sagot nya.
“Ay bat ganyan boses mo? Nagising ba kita? Tulog ka na ba?”
“Hindi naman, nanonood pa ko ng TV.”
“Ahh ganun ba. So, anong balak mo?”
“Wala nga e.”
“Bakit naman wala? Wala pa namang pasok sa 21 so pwede tayong gabihin.”
“Walang budget e. Ayoko nga pumunta sa Bonita e, kasi baka kantyawan ako.”
“UHHHH sa...”
“Pre wag ka ngang maingay.” – kuya Liam
“Uy sige ha, baba ko na to. HAPPY BIRTHDAY ulet!”
BINABASA MO ANG
No Strings Attached
RomanceA song says "Lucky I'm in love with my best friend"... But will you consider yourself lucky if you're afraid to be in a relationship? Or will you consider yourself lucky if you're afraid to lose your friendship? Will you stay away and cut the strin...