1 linggo na ang lumipas at isang linggo na rin akong lupaypay. Pano, aral, practice, aral, practice ang gawain ko buong linggo.
Kung pwede nga lang na ilaan ko lahat ng oras ko sa pagsasayaw e, kasi namiss ko talagang sumayaw. Kaso, week after ng Art Attack, finals na kaya no pwede.
At ngayon, lunes na naman. Kakatapos lang ng klase at nandito na naman ako sa Grandstand, hinihintay ang magaling kong partner. Taeng yon, lagi na lang ako pinaghihintay!
*tumunog ang phone*
“Till what time?” – Vano
Eto na naman si Vano. Nahihiwagaan na ko sa lalaking to e. Lagi ko sa kanya sinasabing mauna na sya umuwi kasi nga kadalasan 7pm na ko nakakauwi dahil sa practice. Ayaw pumayag ni mokong.
“Oy Vano, last 5 days na lang ng practice namin. Sabi ni pardz, sasagarin na daw namin ang practice. Baka late na ko talaga makauwi. Mauna ka na” message sent.
*tumunog ang phone*
“Text mo ko pag tapos na kayo.”
ANg kulit ng lahi nito!
“Sabing mauna ka na umuwi...” Sambit ko habang nagtatype sa phone.
Hindi ko pa man nasesend ang reply ko nang tumunog ulit ang phone ko.
“Hihintayin ko text mo.” – Ivan.
AISH! Sabi ko nga di na ko lalaban e.
“K.” message sent.
“At sino na naman yang katext mo?”
“AY POTEK! Wag ka ngang nanggugulat dyan!” pasigaw kong sabi sa hudyong nanundot ng tagiliran ko.
“Si Ivan ba?” tanong nya habang umuupo sa tabi ko.
“As usual.”
“Aren’t you tired of him? I think he’s being overprotective.”
“Sanay na ko. Kuya Liam the second yun e.”
“You know what, I think he likes you.”
O.o
Pfffffffffffffffffffffffffffffft.
“HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH! Are you kidding me?! HAHAHAHAHAHAHAHAHA havey yung joke mo ha! HAHAHAHAHAHAHAHAHA”
“I’m serious.”
Binatukan ko nga ng isa.
“Alam mo H2, yang si Vano, parang magkapatid lang kami nyan. Baliw.”
“I don’t think so.” Seryoso nyang sabi habang nakatitig sa kin.
Ano ba yan. Naiilang na ko ah.
“Tara na nga magpractice!” yaya ko sa kanya.
Time check, 7:15pm. Hanggang ngayon hindi pa kami matapos-tapos dahil sa hirap ng steps.
Malapit na namin matapos yung pyesa. Dun na kami sa part na pagkabuhat nya sakin, kailangan kong ibend ng todo-todo yung likod ko yung tipong halos abot ko na dapat yung sahig habang hawak nya ko sa likod. E potek naman kase, sabing di na ko marunong magbending e.
“WAAAAAH ayoko na Kevin!!! Ang sakit-sakit na ng likod ko wagas!”
“Kaya mo yan. Konti pa.”
“Ayoko na! itayo mo na ko dali!”
“Baba pa. Kaya mo yan.”
“AYOKO NA PLEEEEEEEEEEEEEEES! Itayo mo na ko!”
Sinunod nya naman ako.
BINABASA MO ANG
No Strings Attached
RomanceA song says "Lucky I'm in love with my best friend"... But will you consider yourself lucky if you're afraid to be in a relationship? Or will you consider yourself lucky if you're afraid to lose your friendship? Will you stay away and cut the strin...