-----28th string-----

215 1 0
                                    

LEEANNE’s POV

It has been a month mula nung nagpunta kami sa FEU. Isang buwan na din sina Zeke at Blaire. Isang buwan na din na todo-todo moving-on mode ang drama ko.

Nung September 17, 1st monthsary nila. At dahil isang dakilang stalker ako, lagi kong chinecheck yung FB account nung dalwa gamit ang FB ng pinsan ko kasi di ko sila friend pareho. HAHAHAHAHAHA bitter mode ako, oo na.

Gumawa ng video si Blaire as monthsary gift. Okay, kabog na kabog ang lola nyo. Sya na sweet. Sya na maeffort. Sya na ang the best girlfriend in the whole wide world.

At ako ang opposite.

TAE. Nagdadrama na naman ako.

SORRY na guys, alam kong utang-uta na kayo sa pagdadrama ko.

Eto na nga ho oh, nagmomove-on na nga diba?

Wag kayong atat, darating din tayo dyan, KALMA lang.

Kala nyo ba gusto ko to?

Kala nyo ba masaya tong ako e miserable tapos sila ligayang-ligaya?

Kala nyo ba...

“So ano na guys? Malapit na yung Art attack. Sino na representative natin?”

sabi ng class adviser namin.

Sabi ko nga mamaya na ko magdadrama e.

Nandito kami sa classroom ngayon, class advisory meeting mode. Hays, kakatamad talaga umattend ng ganto. Inaantok tuloy ako.

“Syempre kelangan manalo tayo dito mga iho, mga iha... Pag kayo nanalo, bibigyan ko kayo ng incentives sa ParCor.”

Sus. Incentives na naman. Gasino lang naman epekto nyan sa final grade. Bahagya nang maramdaman. Minsan nagsisisi na lang ako kung bakit naattend pa ko sa mga activities na yan gaya nung General Assembly. -____________-

“Oh Ivan, tutal Vice pres ka naman ng JPIA, facilitate. Dali mamili na kayo ng representatives nyo.”

Sige lang mam dumaldal ka pa dyan inaantok na ko... Inaantok na ko talaga.

Makakatulog na ko in 3... 2... 1...

Zzzzz.... “...Leeanne Faye.” O.O

“Mam hindi po ako tulog!” sagot kong may pagtaas pa ng kamay nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko.

“HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA” – mga kaklase ko.

Okay. Anong meron? O.o

“Ms. Paz, tinutulugan mo kame?” – mam

“Hala mam hindi po pramis sorry na wag nyo po ako maminusan ples!”

“Mam, are you sure you want Ms. Paz to represent our class?” – Ivan

ANO DAW? :O

“Mr. Corbez, mga classmates mo yung nagdecide. So don’t ask me.” – mam

I gave Ivan the what-the-heck-are-you-talking-about look.

He smirked.

“Sige classmates. Kinalulungkot kong sabihing si Ms. Leeanne Faye Paz ang representative natin sa Art Attack.” – Ivan

“WHAT?! Nooooooo!”

“Let us now decide kung sinong makakapartner ni Ms. Paz... Wh..”

“WAIT! I object! Bakit po ako? Wala kong malay sa mga ganyang art attack chuchu na yan mam”

“Ms. Paz, magmomodel ka lang naman. Isosoot mo lang yung Avant Garde na gagawin ng klase nyo and that’s it.” – mam

“Mam naman. Bat ako pa? Hindi po ako marunong magmodel. Height pa nga lang kapos na e. I don’t have the guts...”

No Strings AttachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon