-----29th string-----

231 1 0
                                    

IVAN’s POV

Banas. Bakit sa dinami-dami ng blockmates namin sya pa.

“Hay nako ka talaga Vano! Ikaw may kasalanan ng lahat ng to e. Sa dinami-dami ng kaklase natin sa isang hambugrao na kagaya mo pa ang naging partner ko!”

Hays. Binging-bingi na ko sa karereklamo ng babaeng to. Kala mo ba ikaw lang ang may ayaw sa naging resulta ng meeting kanina?

“Will you shut your mouth? Hindi ako makapagconcentrate sa pagdadrive. Maaaksidente tayo ng di oras e.”

“Eh kasi naman! Ang malas malas mo talagang panget ka. Tingnan mo, di bale nang maging beauty and the beast ang representative ng class natin wag lang akong mapartner sa ulupong na yon!”

“Stop complaining. Hindi ba ikaw naman ang nagbigay ng number?”

Napatigil sya saglit.

“Eh kasi naman e...”

“Oh ano ka ngayon?”

“Yun ang unang pumasok sa isip ko e.”

“Ang sabihin mo, you’re still not over him.”

“Hoy.. hindi ah. Okay na ko.”

“Stop fooling yourself Faye.”

“I’m not!”

“Baba.”

“Ano?!”

“Baba. Nandito na tayo.”

........................................

Pagkapasok na pagkapasok sa loob, basta nya na lang hinubad ang bag at humilata sa sofa.

“Hanep. At home na at home ka na ah.”

“Wag ka maingay pagod ako.”

“Psh. Ayusin mo nga yung gamit mo ayokong may pakalat-kalat sa sahig ng bahay ko.”

“Kahit kelan ang arte-arte mo talaga.”

“Bihis lang ako.”

Nasa bahay ko kami ngayon para mag-aral sa FinAcc I. Halos araw-araw na ngang nasa bahay tong babaeng to. Hindi tuloy matahimik ang bahay.

Pumunta ko sa kwarto at nagbihis saglit. Pagbalik ko sa living room, isang bakang lumalamon ang naabutan ko.

Minsan nagdududa na ko kung pag-aaral ang ipinupunta nito o pagkain.

“Hoy. Uubusin mo na naman pagkain ko sa ref?”

“Eto naman cake lang! pinagdadamot pa!”

Nakaupo sya sa sahig habang ngumangata. Tinabihan ko naman sya..

“Ikaw pa galit ah.”

Tumayo sya bigla.

“Sorry po!”

TSS. Yan na naman. Ginagaya na naman nya si chichay. -____________-

“Panget. Di bagay sayo.”

“TSE!” sabay punas ng icing sa mukha ko. Tong babaeng to talaga

“Potek kakahilamos ko lang. Punasan mo yan.”

“Ayoko nga. BLEH!”

“Punasan mo yan kundi hahalikan kita.”

“Eto na nga e!” tumakbo sya sa kusina at kumuha ng tissue. Ewan ko ba sa babaeng to pag sinasabi kong hahalikan ko sya daig pa maamong tupa. Ganun ba sya katakot mahalikan? Kung tutuusin ang swerte nya pa nga e. Dami kayang nagkakandarapa sakin. >:))

No Strings AttachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon