-----19th string-----

304 2 2
                                    

LEEANNE’s POV

Kinabukasan....

Ngumulat ako. At ang sakit ng mata ko. Badtrip.

Bumangon ako at tiningnan ang phone ko... 8:32. Tanghali na pala. Pumunta ako sa banyo para maghilamos. Napatingin ako sa salamin at.. maga ang mata ko. -___________-

“Hindi ako pwedeng makita nina inang ng ganto.” Sabi ko sa sarili ko.

Lumabas ako ng banyo at bumalik sa kama. Nagpatak ng Eye-mo at humiga. Papahupain ko na lang muna yung mata ko bago ako bumaba.

“ I wanna make you smile, whenever you’re sad.. Carry you around when your arthritis is bad. All I wanna do, is grow old with you...”

Kanta na lang habang nakatulala sa kisame. Naalala ko tuloy nung kami pa ni Zeke, yung relasyon namin bago ang first break-up dahil sa katangahan ko.. Madalas kami magkatawagan. Tapos pag gabi na, kinakantahan nya ko hanggang sa makatulog ako.

“I’ll get your medicine, when your tummy aches. Build you a fire when the furnace breaks. It could be so nice, growing old with you..”

“Alam ko, at naiintindihan kita. Promise, mas iintindihin na kita ngayon. Lalawakan ko na yung pag-unawa ko. Hindi kita pipilitin lumabas kung marami ka talagang gagawin. Kung matalino nga lang ako, magshishift ako ng course at lilipat sa La Salle. Ako na lang magtuturo sayo at hindi mo na kailangang kulitin yung Ivan na yun para turuan ka. Kaso, hindi nga ako ganun katalino e. Hindi ganun ang level ng utak ko. Kaya sa ngayon, alam ko na pang-unawa lang ang maitutulong ko sayo, chaka pagdamay. Lalo na, alam ko namang napepressure sa course mo. Please Leeanne, bigyan mo ko ng pagkakataong patunayan sayo na kaya kong ihandle yung relationship natin kung hindi mo kaya.”

“And I miss you, kiss you. Give you my coat when you are cold. Need you, feed you. Even let you hold you hold the remote control.”

“Hoi bat ang sweet mo naman ata?”

“Nagbabawi lang. Alam ko namang nahirapan ka sakin nitong nakaraan.”

“Eto naman. Pero di mo naman kailangang gawin to.”

“Gusto kong gawin to. Para hindi ka maagaw ng iba sakin.”

“Sabay ganun? Napapraning ka na naman e.”

“Hindi. Naninigurado lang. Ganito ako kumapit sa kamay ng pinakamamahal ko.”

“So let me do the dishes in our kitchen sink. Put you to bed when you had too much to drink. I can be the one, who grows old with you... I wanna grow old with you.”

HAAAYS. Namimiss ko na talaga sya..

“Tell me... Do you really want me to let go of your hand?”

“Oo.” That made me cry even harder...

“Sige... Huling tanong..”

“.......................”

“Bakit?”

“Nasanay na kong wala ka.”

ARAY. Napakapit na lang ako sa dibdib ko. Kumikirot na naman sya. HA-HA. Ganto pala pag brokenhearted no? Akala ko echos lang yon, tipong emotional factor lang. Yun pala, nararamdaman din yun physically.

Sa lahat ng break-ups na pinagdaanan ko, eto na ang pinakamasakit. Eto na ang pinaka nakakabasag-puso.

Tama na nga, hindi na ko pwede umiyak. Hindi na ko makakababa kapag hindi pa ko tumigil.

No Strings AttachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon