-----21st string-----

278 2 0
                                    

February 7, thursday

LEEANNE’s POV

Waaaah. Ang sakit-sakit ng puson ko. Ang sakit pa ng balakang ko. Ano ba? Kakatapos ko lang magkaroon last last week, bakit ganto ang pakiramdam ko ngayon? >.<

“Hey. You alright?” – Ivan. Nasa classroom nga pala kami ngayon, nagmemake-up class sa accounting. Ang saklap lang diba, wrong timing ako ‘rayumahin’ kung rayuma nga talaga to. 6:45 pa lang. hanggang 7pm ang make-up class. Gustong-gusto ko na umuwi.

“Ayos lang ako.”

“Really?” bakas sa mukha nya ang kawalang tiwala sa sagot ko. Lakas makaramdam neto e.

“Ayos nga lang ako. Makinig ka nga dyan.”

“Fine.” Sabi nya tapos humarap na sa unahan.

“CR lang ako.” Sabi ko sabay tayo at labas ng room.

Takbo-lakad ang ginagawa ko ngayon papuntang clinic. Hindi ko na kayang tiisin e. Wala din naman akong maintindihan sa discussion since inaagaw ng sakit ng balakang ko ang atensyon ko.

.................................

“Pwede po humingi ng gamot sa sakit ng puson?” tanong ko sa nurse.

“Pang ilang day mo na, iha?”

“Ayy. Wala po akong mens ngayon.”

“Ganun ba? Siguro magkakaroon ka na.” pagkasabi nya nun, kumuha na sya ng Mefenamic. “Maglog ka muna dyan, neng.” Sabi nya sabay abot ng log book.

“Uhm.. Hindi pa naman po siguro ako magkakaroon. Kakatapos ko lang po last last week eh.” Sagot ko habang nagsusulat.

“2 weeks ago?” ibibigay nya na sana yung gamot sakin pero bigla nyang binawi.

“Bakit po?”

“Iha, may iba pa bang sumasakit sayo? Gaya ng likod mo, or balakang?”

“Ay opo. Masakit nga po yung balakang ko ngayon.”

“How often mo sya nararamdaman?”

“Uhm... Yung balakang po nung isang araw pa po. Yung likod ko po, sumakit po sya last week.”

“Is that so?” tapos kumuha sya ng paper na parang... Pang reseta?

“Iha, I suggest you have your urine tested. Hindi kami nagooffer ng urinalysis dito kaya sa iba ka magpatest. Make sure to submit to me the results as early as possible.”

Ano daw? Bakit urinalysis? Ayaw nya ba maniwala sakin na wala akong mens? Kelangan makita nyang dilaw lang talaga yung wiwi ko? Ganun?

“Uhm.. bakit po? Para san po yung urinalysis?”

“It’s possible na may UTI ka.”

Ow my effin gosh. UTI? Wag naman pows! >.<

“Po? Hindi naman po siguro.”

“Basta magpatest ka, iha.”

Potek. Lalo yatang sumakit yung puson ko sa narinig ko ah.

“Sige po, miss. Thank you po.” Pagkasabi ko nun, lumabas ako ng clinic ng nakabusangot ang mukha.

UTI? Sheep naman. Totoo kaya yun? Hmf. Di naman siguro. Kainis naman yun e. Birthday ko pa naman bukas tapos bibigyan nya ko ng ganung balita? Urinalysis pa gusto? Wag na uy. Sayang lang bayad dun e. Baka lamig lang to.

Napatingin ako sa watch ko. SHEEP! 7:05 na pala. Baka tapos na yung class!

Tatakbo naman ako pabalik ng CBAA. Buti na lang malapit-lapit lang ang bldg namin sa clinic at sa GSB ( basement 1) lang ang klase namin.  Pababa na ko ng hagdan nang muntik na kong mahulog, buti na lang nakakapit agad ako sa hawakan ng hagdan. Tae, nasira kasi yung sapatos ko! >.< Ang saya talaga ah. Ganto ba talaga pag magdedebut ka kinabukasan? Napakaswerte ko ngayong araw e. -_______-

No Strings AttachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon