Heto ako...
Basang-basa sa ulan...
Walang masisilungan, walang malalapitan.
Niyakap ko ang sarili ko nang umihip ng malakas ang malamig na hangin. Nandito lang naman ako sa bubong ng bahay nina Vano.
Hindi kami binaha guys, di uso dito yun.
Hinihintay ko lang dumating si Vano from Manila. Ngayon daw sya uuwi e. May duplicate na ko ng susi ng housey nila. O diba bongga. Wala e, parang ampon na nina amang tong si Vano. Parte na sya ng family namin kaya parte na ko ng bahay nya. HAHAHA >:))
So ayan, feel na feel ko ang pag-eemote. Kulang na lang talaga umulan ng tunay e. Pero wag naman sana pala. Di pa kasi gumagaling yung ubo ko. Paktay na naman ako kay amang kung sakali.
Kakanta na lang ako.
“Heto ako wOOOOOOOOOOoooooooHH basang basa sa ulahaaaaaaan! Walang masisilungan! Walang..”
“Do you want my neighbors to think that my house has become a mental hospital?”
“Ay kalabaw! Vano naman e! Wag ka ngang nanggugulat dyan! Pano na lang kung nahulog ako dito diba?”
“Kahit mahulog ka dyan, di ka mamamatay. Bat ka nandito sa bahay ko?” Sabi nya habang lumiliban ng grills papunta sakin.
“Wala. Iniintay ka. Tagal tagal mo. Pinaghintay mo ng matagal ang isang magandang dilag na gaya ko.”
“Who told you to wait for me? Ginusto mo yan.” Tapos umupo na sya sa tabi ko.
“Oo ginusto ko to. Ginusto kong mapag-isa. Wala lang. I just want to breathe.”
“Sus. Nagdadrama ka la... Aray! What was that for?” Reklamo nya nang sinuntok ko yung braso nya ng todo.
“Bat kasi ngayon ka dumating ha? Ulupong ka talaga. Kainis.”
“Ano na namang problema mo? Ikaw na nga tong trespassing dyan ikaw pa tong inis.”
“Kasi naman e. Kasi... Kasi...”
IVAN’s POV
“Ano?”
“Kasi nga..”
“Sabi agad.”
“WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH MAY GIRLFRIEND NA SYA IVAN! MAY GIRLFRIEND NA SI ZEKE!”
Para syang batang naglulupasay ngayon habang humahagulgol. Sabi na nga ba. Si Zeke na naman.
“Leeanne Faye, pwede ka namang umiyak. Wag mo lang sirain bubong namin.”
“Kasi naman kasi naman kasi naman! VANO! ANG SAKIT SAKIT!”
“Akala ko... Akala ko nakamove-on na ko. Akala ko okay na lahat. Akala ko wala na ko talagang nararamdaman para sa kanya.. Akala ko okay lang makita syang may kasamang iba.. PERO AKALA KO LANG YON! AKALA KO LANG YON DAHIL PUTAN....”
Bago pa man nya matapos ang sinasabi nya, niyapos ko na. Magmumura pa e. -___-
“SHHHH. Tama na. Balita ko kahapon ka pa ah. Pinagmumumura mo daw sina ate Cams.”
Hindi sya agad nakasagot. Umiyak na lang sya ng umiyak. Ganto na naman kami. She’s crying so hard like she did, around 6 months ago.
Mga 5mins kaming ganun lang. Wala naman akong ibang magagawa kundi yakapin sya. Those tears... I can never stop them from falling, since those are not for me.
*cough cough cough*
“Oh tama na. Hinayaan na kitang humagulgol dyan. Sapat na yon. Inuubo ka na.”
BINABASA MO ANG
No Strings Attached
RomanceA song says "Lucky I'm in love with my best friend"... But will you consider yourself lucky if you're afraid to be in a relationship? Or will you consider yourself lucky if you're afraid to lose your friendship? Will you stay away and cut the strin...