IVAN’s POV
Date check: December 19, Thursday. Kakatapos lang ng major exam namin sa Partnership and Corporation Accounting (Accounting II). Last day na din to ng exam week para sa mga Accounting students. Ang galing kasi gumawa ng exam sched ng admin, save the best for last. Yeah, Accounting II was our last subject.
Time Check: 1:07pm. I’m here in front of the ladies’ comfort room waiting for someone stupid to come out. Sino pa ba? E di si Leeanne Faye.
“What took you so long?”
“Eh sorry naman. Ang dami kasing babae sa CR e.”
“Magtaka ka kung maraming lalaki dun.”
“Sige uwi na ko.”
“What?”
“Uwi na ko. Babye.”
“Magkikita ba kayo ni Zeke?”
“Uhm, magkikita kami dapat. Kaso, mag-iinom daw sila ng mga kaklase nya e.”
“Are you two not in good terms?”
“Haa? Ah ano. Okay naman kami. Wala lang, siguro kasi nagcecelebrate lang sila kasi nga tapos na din exams nila.”
“I see. So, you want Mcdo fries?”
“Sure! Ayy, no. Hindi pala ko pwede ngayon.”
“Bakit?”
“May pupuntahan ako e.”
“Kala ko ba uuwi ka na?”
“Ah ano. Nalimutan ko kasing may pupuntahan ako e.”
“So where are you going?”
“Ha? Ano.. ah.. nalimutan ko na din e.”
“Are you nuts?”
“Eh wag ka na nga muna magulo. May hangover pa kasi yung utak ko sa exam sa Accounting kaya nagmamalfunction pa yung utak ko ngayon.”
“San ka nga muna pupunta?”
“Dyan lang sa tabi-tabi! Babye!” tapos tumakbo na sya palabas ng CIHM (College of International Hospitality Management).
Hmmm... something’s wrong. Kaya nyang tanggihan ang lahat pati ang marriage proporsal ni Joseph Marco, pero hindi ang Mcdo fries. Since Monday, she’s been acting strange. Parang masyado syang mailap sakin. Hindi kaya kasali yun sa tinatawag nyang innovated study habits? Kailangan nya kong iavoid kasi laging mas mataas yung scores ko sa kanya? Uhh, silly Ivan. Hindi naman siguro aabot sa ganun yung katangahan nya. But seriously, what’s her problem?
Nandito na ko ngayon sa Gate 1, naghihintay sa pagpapatawid ng traffic enforcer. This is why I hate Gate 1. Iniintay pa nilang bumaha yung mga estudyante bago patawirin. -_-
After 5mins, nagpatawid na yung hinayupak na traffic enforcer. Pasakay na sana ako ng jeep nang mahagilap ng gorgeous eyes ko si Faye na sumasakay ng jeep. Teka, siguro kakatawid lang din nito. Hindi ko man lang sya nakita kanina. Dahil kaya sa pandak sya o talagang pinagtataguan nya ko?
Hindi ko na inabot yung jeep na sinakyan nya since marami nang sumakay. Sumakay na lang agad ako sa isa pang jeep. Magkikita din naman kami sa walter. (Walang jeep na deretsong papuntang trece na dumadaan sa gate 1 kaya sa walter sila laging bumababa pag byahe.)
Pagkababa na pagkababa ko ng jeep, sinuyod ng mata ko ang intayan ng jeep. Hmmm, no sign of Faye. Nakasakay na kaya sya agad? O may iba talaga syang pinuntahan? Uhh nevermind. Bat ko ba pinoproblema yun? Si Zeke lang dapat ang namomroblema dun e. Eh nasan sya, ayun, nag-iinom. Ewan ko ba talaga dito kay Faye. Minsan gusto ko na syang iumpog sa great wall of China nang matauhan. Halata namang hindi maganda yung takbo ng relasyon nila, pinagpipilitan pa rin. -_-
BINABASA MO ANG
No Strings Attached
RomanceA song says "Lucky I'm in love with my best friend"... But will you consider yourself lucky if you're afraid to be in a relationship? Or will you consider yourself lucky if you're afraid to lose your friendship? Will you stay away and cut the strin...