Kinabukasan...
Nagising ako sa.. sa.. wala lang. basta nagising lang ako. Tiningnan ko yung wall clock sa tapat ng kama ko. Time check: 8:35. Ahh maaga pa pala, makatulog muna ulit...
Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz.... O.O
Teka! Bakit nasa kama ako? Sa pagkakaalam ko sa sofa ako natulog kagabi ah? Asan na si Vano? Siguro tumakas yun at natakot kina amang. HAHAHAHA. Pero hindi eh, hindi naman sya ganun. Tingnan ko nga, baka sinesermunan na nga sya nina amang ngayon. Lumabas na ko ng kwarto. May naririnig akong nag-uusap at nagtatawanan. Mukhang nasa dining room sila. Dumeretso ako dun at... O.o
Si Ivan, ayun, kumakain at nakikipagtawanan kina amang. Okay. I was not expecting this. Anyare?
IVAN’s POV
Ughhhh ang sakit ng ulo ko. -_-
Anong oras na ba? Napatingin ako sa wall clock sa tapat ng kama... 6:05. Uhh, when did I place a wall clock facing my bed? O.o I looked around. Hell yeah, I’m not in my room. I tried to picture out what happened last night but the last thing I remember is when I brought Faye home. Speaking of Faye, I’m in her room now, lying on her bed. Where is she?
Tumayo na ko sa kama. Sabi na, nasa sofa nga sya. Pero kung titingnan, halatang mahimbing ang tulog nya. Wala talagang pinipiling lugar tong babaeng tulugin na to. Dahan-dahan ko syang binuhat at inilipat sa kama nya.
“I can’t remember what happened last night. I don’t even know if I did something stupid again. But I know you took care of me, thank you.” Kinumutan ko sya at hinalikan sa noo.
Lumabas ako ng kwarto at bumaba. Masyado pang maaga kaya mga tulog pa sila. Hindi ako pwedeng umalis dito hangga’t hindi nakakapagpaliwanag at nakakapagsorry kina tito. Baka kay Faye sila magalit. Hmm, maybe I should cook for them. Hindi naman sa nanunuhol ako pero gusto ko lang makabawi. :))
Time check: 7:30. I’m done cooking. Cheesy omelet, asparagus wrapped with bacon, hotdogs, and fried rice ang nakahain sa table ngayon. I also made special hot chocolate for beverage. Handa na ang lahat. Tao na lang ang hinihintay. Pumunta na ko sa living room at naupo. How can I possibly explain when I have no idea of what really happened last night? Ang alam ko lang, I took the risk, tapos..
*Flashback*
Nagpapaalam na kami sa isa’t-isa. Pauwi na lahat. Hindi ko alam kung panong nangyari pero sinabihan ako ni Zeke na ako na lang maghatid kay Faye pauwi. Since wala naman akong nararamdamang kung ano ngayon, kaya ko maghatid. Huh, kinabahan pa ko. Walang-wala naman pala yang emperador na yan. Parang normal na brandy lang. Kaya ko pa ngang magmotor ng nakapikit. >:))
“Uy Vano salamat sa paghatid ha. Mukhang okay na okay ka naman, kaya mo na umuwi ng mag-isa diba?” – Faye. Nandito na kami ngayon sa bahay nila.
“Of course. Pero pwede bang makiCR muna?”
“Oo naman. Tara pasok ka.” We went inside.
“Ang tahimik a, maaga pala matulog ang mga tao dito.”
“Sina mami, oo. Si kuya, asa. Naglalaptop lang yun sa kwarto nya.”
“Ah ganun ba.” Tapos pumasok na ko sa loob ng CR.
After releasing the unnecessary fluids of my gorgeous body, I suddenly felt... Headache. Ugh, ang sakit. Ang sakit sakit ng ulo ko, shit. Ang init. Biglang uminit. Ugh, kailangang kong maghilamos. Lumapit ako sa lavatory at tumingin sa salamin. Muka namang okay lang ako, maliban sa namumula ang buong mukha ko pati ang mata ko, wala namang problema. Binuksan ko ang faucet at yumuko para ilapit ang mukha ko sa sink. Pagkayuko ko...
BINABASA MO ANG
No Strings Attached
RomanceA song says "Lucky I'm in love with my best friend"... But will you consider yourself lucky if you're afraid to be in a relationship? Or will you consider yourself lucky if you're afraid to lose your friendship? Will you stay away and cut the strin...