LEEANNE’s POV
Tiningnan ko ang black wrist watch ko. Sabi nya, ‘5:00 na, bat wala pa sila gutom ka na’.
Tuesday ngayon at ito ang araw na pinakahihintay ko. Magbabakasyon na kami sa Tagaytay. Sa loob ng 4 na araw, titira ang fantastic four sa PBB House este BB House aka bahay ni ate (Bella Blaire). Kung anong gagawin namin don ay wala akong kaalam-alam. Basta’t sa mga oras na to, gusto ko nang lumayas at gutom na ko.
*beep beep*
Nang marinig ko ang busina ng gwapong kotse ni Vano, agad akong lumabas ng kwarto bitbit ang maleta kong laman ang kabinet ko. Humalik ako at mabilis na naglambing kay inang at amang bago nagpaalam na din kina ate Lian at kuya Liam na kasalukuyang nakatambay sa sala at nagdududutdot sa ipad mini at laptop. Lalabas pa lang ako nang pumasok si Ivan para kamustahin sina amang. Sus. Nagpapalakas pa ang mokong.
Matapos ang kamustahan nila, bigla na lang kaming sinutsutan ni kuya Liam at nagsalita.
“Both of you, BEHAVE.”
“Wow. Coming from you, kuya?” sagot ko.
“We will.” Sabay hablot ni Vano sa braso ko at kaway sa pamilya ko.
“Wow. Iba ka talaga, Vano.” Bungad ko pagkapasok namin sa sasakyan.
“What?”
“Kala mo hindi ko napapansin? Nagpapagoodshot ka!”
Sa halip na sumagot, ngumisi lang sya.
“Teka, bat ngayon ka lang ha? Usapan 5 o’clock a! Siguro may kung ano pang ginawa kayo ni BB.”
Kumunot ang noo nya.
“What are you talking about? I arrived at exactly 5pm.” Walang ganang sagot nya sabay nguso sa orasan ng kotse. Sabi ng digital clock nya, 5:03.
Tiningnan ko ulit ang watch ko. It says 5:30.
EMERGERD. Excited ang watch ko.
“Would you like to consult a psychiatrist?” biglang tanong nya habang inaadjust ko yung watch ko. Napatingin naman ako sa kanya.
“Haa? Bakit naman?”
“Your mind is a mess.”
“Ano?! Bat pinapakelaman mo na naman yung utak ko ha?”
“You’re thinking nonsense.”
Saglit akong nag-isip kung anong tinutukoy nya.
Siguro may kung ano pang ginawa kayo ni BB
AH! Yun pala. Eh kasi naman yung watch ko sabi halos 30mins nang late si Vano. Malay ko ba kung bakit sya nalate samantalang nasa kabilang subdivision lang sya. Kayo ba hindi mag-iisip ng kung ano? Mapupusok na naman talaga ang mga kabataan sa panahon ngayon ah? Tsaka...
AISH! Nasobrahan yata ako sa kababasa ng 50 shades of Grey. Si Vano at si Blaire...
SHEEP! Hindi ko maimagine na nagtutuutooooot sila!
“Hey.” He snapped. Dali-dali ko namang binura lahat ng rated SPG na tumatakbo sa utak ko.
“Oh?”
“What’s on your mind?”
“Ay. Facebook status lang, koya?”
“Tell me.”
“On the way to Tagaytay! Enter enter. Hashtag ExcitementOverload, Hashtag KakainNgMadami, HashtagPBBSuperstarEdition”
Saglit syang lumingon sa’kin para batuhan ng sumagot-ka-ng-maayos look bago ibinaling muli sa daan ang atensyon.
BINABASA MO ANG
No Strings Attached
RomanceA song says "Lucky I'm in love with my best friend"... But will you consider yourself lucky if you're afraid to be in a relationship? Or will you consider yourself lucky if you're afraid to lose your friendship? Will you stay away and cut the strin...