IVAN’s POV
Byahilo daw. Hindi nya ko maloloko. Kung sila mapapaniwala nya, ako hindi. Vertigo na naman. Napakapasaway kasi ng babaeng yun. Siguro nagpuyat na naman kaya nagkaganyan. Tsk.
Time Check: 8:30pm. What are we doing? Wala naman. Kwentuhan, tawanan. Kung anu-anong trip lang. Sa ngayon, nagrereminisce sila. Pinag-uusapan nila yung mga kalokohan nila nung highschool. I admire them. Nakakatuwa silang magbabarkada. Masaya sila kasama. Akala ko nung una maoOP lang ako pero akala ko lang yon. Bukod sa marunong ako makisama, madali silang pakisamahan. I admit, nag-eenjoy ako. Naisip ko tuloy, sana pala noon pa kami lumipat sa Dasma. Sana pala, pumayag na ko sa plano nina mama noon. E di siguro, dun din ako napadpad sa school nila dati. E di siguro naging Masaya ang HS life ko.
Kwentuhan ko kayo ng konte. Dati pa kasi nabili nina mama yung bahay namin ngayon, before ako mgHS. Hindi ako pumayag na lumipat dati kasi mapapahiwalay ako kay Bella Blaire, yung kababata ko. Sa school na pinasukan ko, puro mayayaman. Bilang lang ang mga naging kaibigan ko dun. Sa totoo lang, si Blaire lang ang talagang lagi kong kasama noon. Oo magaling ako makisama, pero namimili ako ng pakikisamahan ko. Karamihan kasi sa mga tao sa school na yon, plastic. Lahat nagpapataasan ng ihi, mapababae, mapalalaki. That’s one of the reasons why I didn’t really enjoy my high school days. Sa alma mater ko, competition is everywhere. Academics, Sports, properties, pati yata sa underwear nagpapaligsahan sila. Yun ang source of happiness nila, yung makaangat sa iba.
Kung tatanungin nyo kung bat kami napadpad sa Dasma, tanung nyo sa parents ko. Malay ko sa mga yun. Matripan lang.
This gang, parang ang saya. Sa obserbasyon ko kasi, para bang wala silang kaproble-problema pag magkakasama. Totoo sila sa isa’t-isa. Wala kang masesense na kaplastikan. Parang magkakapatid na nga yata tong mga to. Well syempre iba yung sa mga “in a relationship” like Floid and Seira, Zeke and Faye. Teka, may kumirot yata ng naisip ko yung Zeke and Faye. Wew.
“AHAHAHAHAHAHHAHAHAHA” yan. Yan ang maririnig mo sa kanila ngayon kung kasama ka. Puro ganyan. Pero syempre nakikitawa ako. Nakakatawa naman talaga. How I wish I belong to this group of people since then.
“Teka teka guys, ano? Ganto na lang ba tayo? Puro tawa na lang tayo e. Isip kayong trip para Masaya.” – Justin
“Tingnan lang namin mukha mo natatawa na kami e.” – Floid
“Oo nga pre, masaya na kami dun.” – Jeero
“Alam ko na! Spin the bottle tayo.” – Ilynni
“Suuuuus. Gasgas na yan e.” – Rj
“Oo nga yun na lang, tapos truth or dare.” – Kate
“Kate naman, gusto mo lang itanong kay Jeero kung mahal ka pa nya e.” – Migz
“Hoi grabe ka ha! Hindi kaya.” – Kate
“Alam ko na, kaya gusto ni Ilynni yung sa dare kasi magpapayakap sya sayo Migz. HAHAHA” – Seira
“Tara umuwi na tayo” – Migz. Tapos tumayo sya, tumayo din si Dylan, Jeero, Justin
“Hoi san kayo pupunta? Migz dito ka lang!” – Ilynni
“Maghahanap sila ng kapre.” – Rj
“Mas gugustuhin kasi naming magpayakap sa kapre kesa jan kay lani. HAHAHA” – Justin
“Hoi ang sama nyo. Seira, bat mo kasi binuking si Ilynni? HAHAHA” – Faye
“As if sayo ako magpapayakap Justin. Asa. Kay Migz lang. HAHAHA” – Ilynni
“Oyoy tama na nga yan. Tara game na.” sabi ni Dylan habang dala ang isang bote ng tubig.
Tiningnan ko si Faye, mukang okay na sya. Grabe chumibog ng tsitsirya e. -_-
BINABASA MO ANG
No Strings Attached
RomanceA song says "Lucky I'm in love with my best friend"... But will you consider yourself lucky if you're afraid to be in a relationship? Or will you consider yourself lucky if you're afraid to lose your friendship? Will you stay away and cut the strin...