LEEANNE’s POV
Habang tulog si Blaire, Ivan, at Kevin, Oo pati si Kevin nakitulog kahit di naman puyat, sa kani-kanilang kwarto, napagpasyahan kong magbake ulit. Ang ibebake ko ngayon? Cream puffs. Eto yung favorite naming bilhin ni Vano sa Jefcee’s, isang kainan sa Food Square ng La Salle.
Kung iniisip nyong nagpapaimpress ako kay Vano, nagkakamali kayo. Favorite ko din kasi to kaya eto ang gagawin ko ngayon. Mga malisyosang froglet.
At dahil nga puyat ang mga tao, si manang ulit ang nagluto para sa tanghalian namin. Ang niluto nya? Nilagang Baka. One of my favorites. Tamang-tama para sa malamig na panahon. Inayos ko na ang mesa. Nakapaglagay na ko ng mga plato at utensils. Ang kulang na lang ay kanin at ulam. Mamaya ko na lang siguro yun ihahanda pag gising na sila para hindi lumamig.
At dahil wala pang nagigising sa kanila, nagpasya akong iexplore ang labas ng bahay na matagal ko nang gustong puntahan. Sa dulong left ng glass wall ay matatagpuan ang sliding door palabas ng bahay. Excited akong pumunta dun at lumabas.
Di gaya kahapon, maliwanag ang kalangitan kahit may mahinang pag-ulan. At dahil nga maliwanag, ngayon ay naaappreciate ko na ang kapaligiran. Una kong napansin ang view ng taal. Sabi na nga ba e, hindi ako nagkamali. Tanaw na tanaw mula dito ang Taal lalo na ngayong walang makapal na fog na nagtatago sa kanya. Matapos pagnasahan ang taal volcano, nilibot ko na ang labas ng bahay. Nasa gitna, saktong kaharap ng glass wall ang swimming pool. Sa left side ay mayroong kubo or should I say cottage at malapit dun ay shower room. Sa right side naman ay mayroong half court. Eto na siguro yung tinutukoy ni BB nung nagkukwentuhan kami.
Uupo na sana ako sa gilid ng pool nang may humablot sa braso ko at hinila ako hanggang sa mabangga ako sa katawan nya.
“What are you doing? It’s raining.”
Nang marecognize ang boses nya ay tumingala ako para makita ang mukha nya.
“Vano? Gising ka na pala.”
“No. I’m sleepwalking. What are you doing out here?” sabi nya at hinila na ko papasok ng bahay.
“Eeeeh nageexplore lang. Ang hina-hina ng ulan e.”
“Go to your room and take a shower. Magkakasakit ka sa ginagawa mo.”
“Hindi pa ko pwede maligo. Wala pa kong damit. Wala pang nahahanda si Blaire.”
“Psh. That’s what you get when you don’t bring your luggage with you.”
“Hanggang ngayon issue pa rin yan? Sorry na nga e.”
“Kung hindi mo binaba yung bag mo sa kotse ko, hindi ka sana namumulubi sa damit ngayon.”
“Eh kung una pa lang sinabi mo nang sayo ako sasakay, hindi ko na sana binaba yung bag ko.”
“Alam mo namang hindi kita pasasamahin kay Kevin. Hindi mo ba naisip yun?”
“Hindi ko alam na ayaw mo ko pasamahin kay Kevin. Naisip mo ba yun?”
“Sinabihan na kita na lumayo ka sa kanya. Hindi pa ba sapat yun?”
“Hindi nga ako maiinlove sa kanya. Bakit kailangan ko pang layuan yun?”
Okay. Para kami ngayong mag-asawang nagtatalo sa living room ng bahay namin.
Wait... sinabi ko bang mag-asawa? O.o
“Kagabi magkasama kayo diba? Anong ginawa nyo?”
BINABASA MO ANG
No Strings Attached
RomanceA song says "Lucky I'm in love with my best friend"... But will you consider yourself lucky if you're afraid to be in a relationship? Or will you consider yourself lucky if you're afraid to lose your friendship? Will you stay away and cut the strin...