-----7th string-----

415 3 2
                                    

LEEANNE’s POV

Haaaaaaaaaaaaaaaaaaay  Exam week na naman! FINALS NA! Last na to! WOOOOOOOOOOOOOH! At this time, sisiguraduhin kong matataasan ko na yung hambugrao na yon.

Wala namang masyadong nangyari nung mga nakaraang Linggo. Ang alam ko lang, talagang kinakarir ko na yung Accounting I. HAHAHA Hindi na ko masyado natambay kina Rj kasi nga nag-aaral ako ng maigi. Tapos Finals na kaya deadline na ng lahat ng ELGA Requirements. Konti na lang naman ang kailangan naming tapusin since nagawa na nga namin ni Ivan yung iba. Masakit man sa pride ko pero masasabi kong malaking tulong talaga sa kin yung lalaking yun. HAHAHA

Sunday ngayon, nagpapahinga na lang ako since tapos na ko magreview sa Accounting. Comprehensive yun a. Nagstart na kasi ako magreview last week kaya maaga ko natapos. Monday kasi ang exam dun. Hanep diba. Talagang inuna nila yun. Malaki tuloy ang tendency na tamarin na kong mag-aral sa mga minor subjects sa mga susunod na araw.

*tumunog yung phone ko* Natawag si ate Lian. Take note, nasa baba lang sya guys. Nasa kwarto lang ako. Tamad no?

“Oh bakit?” – ako

“Bumaba ka na, kakain na.”

“Tapos?”

“Yun lang.” Hanep. Iba talaga pag nakaplan. -_-

“Sige bababa na ko.” I hung up.

Habang nakain…

“O neng, kamusta naman ang pagrereview mo? Accounting exam nyo bukas diba?” – inang

“Oho. Ayos lang, nautay-utay ko na.” – ako

“Ayusin mo yan pre. Patitigilin ka namin sa pag-aaral pag bumagsak ka.” – Kuya Liam

“Grabe ka naman kuya! Daig mo pa retention policy ng La Salle a?!” – ako

“Faye, pag naka tres ka, bibilhan kita ng bag.” – ate Lian

“WAAAAAAAAAAAAH! Talaga? Kaso ang taas naman! 2.75 na lang pede?” -  ako

“Lugi naman kami dun.” – ate Lian. Haaaaaaaaaaaaaaaaaay ang daya talaga. Sabihin na lang nya kung ayaw nya ko talaga bilhan ng bag. -_-

“Kaya mo yan neng.” – Inang. Napakasupportive talaga ni inang. :D

“ayy oo nga pala. Amang, balak kasi naming maghike sa sembreak e. HS friends kasama.” – ako

“Ayoko.” – amang

“eehhh amang naman e. Kasama si Shannan! Don’t worry!”

“Kahit pa isama ni Shannan yung tatay nya.” – Amang

“Ehhhh!?” – ako

“Matagal pa naman neng. Magbabago pa isip nyan.” – Inang. Haaaay sana nga payagan ako!

Nashare ko na ba yun sa inyo? Balak kasi ng gang na maghike sa Mt. Batulao sa Batangas. Sawa na kasi sila sa swimming e. Kaya ito, try naming maghike. Actually hindi to first time sa boys kasi nakapaghike na sila dati. Pero this time, pwede na daw sumama kaming mga girls. Basta bawal mag-inarte. HAHA

“Ah ganto na lang amang. Pag ako pumasa ng accounting, pwede na ko sumama ha?” -  ako

“Kung pumasa ka, e di tama lang. Ginusto mo yan e.” – amang. Si amang naman e. >.<

Haaaaaaaaaaaaaays bahala na nga. Tutal medyo matagal pa naman nga yun. October 20 pa lang ngayon, Sa November 3 pa naman daw. Pero nararamdaman ko… Papayagan ako ni amang! Konting pagoodshot ayos na. HAHAHA

Kinabukasan…

“You ready?” sabi ni Ivan. Sino pa ba? Tsss

“Absolutely. Ikaw, you ready?

No Strings AttachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon