-----54th string-----

158 4 2
                                    

LEEANNE’s POV

Niyakap ko agad ang sarili ko pagkababang-pagkababa ng kotse ni Vano. Nandito na kami ngayon sa St. Francis kung saan nakatira ang halos buong lahi ni Inang.  Nagtataka akong naglalakad sa labas ng sangkabahayan habang tahimik na nakasunod sa’kin ang tatlo.

Bakit ang tahimik dito? Nasan ang pipolets?

Pinasok ko ang bahay nina lola at nagtawag ng pangalan ng mga nakatira doon pero walang sumagot. Pinasok ko din ang bahay ng dalawa ko pang tita pero wala ring tao. Bigo akong binalikan ang tatlo sa terrace ng bahay ni lola.

“Wala yatang tao.” Sabi ko sa kanila.

“Impossible. They can’t just leave without locking their doors.” – Ivan

“Eh ang tahimik e... AY!”

Inilabas ko ang phone ko at muling binasa ang text ni Inang kaninang umaga.

(Ineng, kamusta na kayo dyan? Nandine kami sa mga lola mo ngayon. Bababa kaming Talisay at dadalawin ang lola Huling nyo. Mag-iingat kayo riyan.)

“Sabi na eh! Nasa Talisay sila!”

“You mean, nobody’s home?” – Blaire

“I told you it’s...”

“WAAAAAAAAAAAAAAAH!”

Natigilan si Vano sa pagsasalita nang makarinig kami ng sigawan na nanggagaling sa bahay ng ninang ko.

“Boses ni Nami yun!” sabi ko at nagtatakbo papunta sa pinakadulong bahay.

 Pagkapasok na pagkapasok ko ng bahay ay tumambad sa’kin ang mga pinsan kong tutok na tutok sa TV habang ang iba’y nagtatakip ng mata.

“Ate Leng!” sigaw ni Iyah nang makita ako sa front door kaya naman lahat sila ay napatingin sa’kin.

Halo-halong batok, kutos, yapos, at pag-alog ang isinalubong nila sa’kin. Kesyo bakit daw nandito ako, anong ginagawa ko dito, pano ako napadpad dito, at kelan ako uuwi. Ang galing diba? Kararating ko lang pinapauwi na ko.

“Wait lang! Bat nandito kayong lahat? Kala ko bumaba kayong Talisay?”

“Nandito kami kasi nanonood kami ng movie. Di ba obvious?” – ate Cams

“Nasa Talisay pa sila nanay. Nauna lang kami umuwi kasi tapos na daw idownload ni ate yung Quarantine 2 kaya nagkayayaan na.” – Iyah

“Dito ka na matulog, ate Leng. Magsleepover kami dito eh. Hindi yata uuwi ang mga tanders (matatanda, tito/tita mga ganun).” – Kimee

“Naku wag na! Wala nang space pauwiin nyo na yan.” – ate Cams

“Aba aba. If I know miss nyo na kong lahat.”

“SHHHHH! Ang ingay ng mga babaeng to.” – Sam

“Order in the court.” – kuya Mike

“Ate Leng! Bat ka ba nandito? Kamusta na si kuya Ivan my loves?” – Nami

At dahil sa tanong nya, naalala kong may mga kasama pala ko.

“Uy wait! May kasama nga pala ko! Nandun sila sa  terrace ni Lola hintayin nyo ko.”

Sinundo ko na yung tatlo at tuwang-tuwa si Blaire nang malamang nandito ang mga pinsan ko. Matapos ang maiksing pagpapakilala, nakinood na kami sa kanila.

Nang matapos ang movie ay napagkasunduan ng mga lalaki kong pinsan, kasama si Kevin at Vano, na magbasketball. Ang galing diba, alas nuwebe na ng gabi pero nakuha pa nilang pumunta sa baranggay at magpaalam para gamitin ang gym ng St. Francis. Palibhasa’y konsehal ang isa sa mga tito ko kaya malakas sila sa baranggay.

No Strings AttachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon