-----56th string-----

155 4 6
                                    

LEEANNE’s POV

“Are you in like with someone?”

*insert tunog crickets here*

“Leeanne?”

“Ha...HA?!”

“I’m asking you. Do you like someone? I mean...anyone?”

WHAT THE HEEEEEECK! ANO TO!? Bakit tinatanong ako ni BB kung may gusto ba ko? Kanina si Ivan ngayon si Blaire! Bakeeeeeeeeet?! Alam na ba ni Blaire na may gusto ako kay Vano!? SHET NA MALUPET! Anong gagawin ko!? Masyado ba talaga kaming obvious ng mga pinsan ko!? Pag ako nabuking kakalbuhin ko talaga si NAMI!!!!!!!

Awkward akong tumawa bago nakapagsalita. “HA? Bakit mo naman natanong yan?”

“You know. Curiosity.” Tugon nya sabay kindat sakin. “The boys are not here so I think this is the perfect timing for us to have girly talks, you know.”

AH. Yun lang pala e. Hinga ka na Leeanne. OA mo.

“Uhm... Sa ngayon? Marami...”

Hindi pa ko tapos magsalita nang excited na sumabat si Blaire.

“Really? Who’s the lucky guy? I mean... guys?”

“Yeah! Guys! Si Lee Min Ho yung asawa ko, si James Reid na fiance ko, si Do Min Joon na soulmate ko, si...”

“No, Leeanne. I mean... Uhm. How do I say this? A school mate? Class mate? Block mate? Seat mate?”

Hindi ko alam kung bakit nung binanggit nya yung salitang seatmate eh may pagwiggle-wiggle pa yung kilay nya. Alam nya bang kulang na lang bumili kami ni Vano ng upuan na pangdalawahan talaga at bitbitin na lang namin sa kung saan man ang klase namin dahil lagi kaming magkatabi?

“Ah yun ba. Nako, wala no. Pass muna ko sa mga ganyan.” Sagot ko na hindi tumitingin sa kanya at lumunok ng matindi.

“But why? It’s nice to have some ‘inspiration’ you know.” Sabi nyang nag-aact ng quotation sign.

“Nako nako. Sa umpisa oo inspirasyon lang kaso pag nagtagal, baka sumiklab at lumagablab hanggang sa mainlab. Tapos masasaktan sa huli. Kasawa.” Walang ganang sagot ko sabay lagay ng tubig sa baso na nasa side table.

Sa gilid ng mata ko, nakikita ko kung paanong kumunot ang noo ni Blaire sa sagot ko habang pinapanood ako sa pag-inom ng tubig.

Pero muntik ko nang maibuga yung tubig sa loob ng bibig ko nang bigla syang magsalita.

“Leeanne, haven’t you moved on?”

“Ha? Bakit mo naman natanong yan?”

“I just realized beating around the bush won’t give me the answer so I asked you straight to the point. Are you still not over Zeke?”

Halos magbuhol na yata ang kilay ko sa biglang pagseseryoso ni Blaire habang abang na abang sa isasagot ko. Parang kilalang kilala niya pa si Zeke nung banggitin nya yung pangalan ng tukmol na yun. Panong nalaman ni Blaire yung tungkol samin?

“Pano mo nalaman yung tungkol kay Zeke, Blaire?”

“I’ve been stalking you since Ivan started talking about you everytime we had the chance to talk via skype.”

“Kinukwento ako sayo ni Vano?”

“Of course! That’s why I feel like we’ve been best of friends ever since the world began. I know almost everything about you.”

No Strings AttachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon