Napatitig na lang ako sa lalaking nakasandal sa gilid ng itim na kotse. Isang gwapong nilalang na nakatingin sa malayo at mukang malalim ang iniisip habang nakapamulsa.
“Don’t you want to leave yet? You’re gonna miss me, huh?”
Nagulat na lang ako nang ramdam ko na ang mainit na hininga ni H2 sa tenga ko.
“Ah eh sige dito na ko. Salamat ng marami sa pagkain tsaka sa paghatid. Babay!”
Sabi ko sabay dali-daling lumabas ng kotse.
Nasa tapat na pala kami ng bahay namin ngayon, di ko man lang napansin dahil sa kacuriousan ko kina H1 at H2.
Naiintriga talaga ko e. >.<
Agad kong nilapitan si Vano.
“Hoy anong ginagawa mo dito? Bat di ka pumasok sa loob? Alam ba nila na nandito ka?”
*beep beep* busina ni Kevin nang saglit syang huminto sa tapat namin at kumaway. Nakuha pang kumindat ng loko bago sinara ang bintana ng kotse nya at humarurot paalis.
“Where did you go?” walang ganang bungad nya.
“Sa ano.. Doon. Oo don.”
Tumaas lang yung kilay nya. Ang toroy!
“Ang taray mo naman po koya. Nalimutan ko na kasi yung pangalan ng resto e. Ang alam ko lang, masarap yung mga pagkain dun, swear!”
Tumango lang sya.
Bat ganun? Parang iba na naman ang aura ng lalaking to. Ano na naman kayang problema nito? -____-
“Te..teka nga. Bat ka nga pala nandito?”
“May pupunta tayo.”
“Haa?” sagot ko sabay tingin sa relo. “8:30 na ah. San ba tayo pupunta? Di ba pwedeng next time na lang?”
“We need to go now.” Sabi nya tapos binuksan ang pinto ng front seat ng kotse nya.
“Ehhh san ba tayo pupunta? Hindi pa ko nakakapagpaalam kina Inang baka magalala na yung mga yun. Pasok muna tayoooooo.”
“I’ve told them already.” Sabay tulak sakin papasok ng kotse.
“Ehh? Nakapagpaalam ka na agad-agad?”
Tumango lang sya.
“Bukas na lang! Pagod na ko e.”
Tatayo na sana ako nang pagkatapak na pagkatapak ko sa sahig ay kumirot na naman ang paa ko. Napakagat labi na lang ako.
“Tss.”
“Please Vano. Bukas na lang tayo lumabas. Pagod na ko.”
“No.”
Isasarado nya na sana yung pinto nang pigilan ko sya.
Ayoko na talaga umalis. Baka lalong sumakit yung paa ko e. >.<
“Vano naman. San ba kasi tayo pupunta, ha?”
“SkyRanch.”
O.O
WAAAAAAAAAAAAAAAAAH! Seryoso ba sya?!
“WEH!? Talaga!?”
“Yeah.”
“OWYEEEEEAHHHH! TARA NAAAA! Ano pa bang hinihintay mo dyan ha? Sarado mo na yang pinto at sumakay ka na’t gogorabels na tayo NOW NA!”
“Psh.”
So ayon, excited akong sinuot ang seatbelt at lumingon sa driver ko sabay ngiti ng malawak. As in yung abot tengang ngiti :3
“Let’s gooooo!” sigaw ko nang paandarin nya na yung kotse.
BINABASA MO ANG
No Strings Attached
RomanceA song says "Lucky I'm in love with my best friend"... But will you consider yourself lucky if you're afraid to be in a relationship? Or will you consider yourself lucky if you're afraid to lose your friendship? Will you stay away and cut the strin...