-----26th string-----

231 0 0
                                    

(A/N: please reread 25th string, ang fail kasi ng UD ko last time e, putol pala. xD)

STUDENTS’ WEEK

At dahil Students’ week ngayon ng DLSU-D, MAGDIWANG!

Magpapakasaya ako...

Magpapakasaya talaga ako...

Sa FEU.

Oo, magpapakasaya talaga ako pero sa ibang school. Kasi naman, walang kwenta students’ week ng La Salle. Nawawalan nga kami ng klase pero pinapaattend naman kami sa mga activities na.. booooooring. -____-

Kaya naman napagdesisyunan kong makisaya na lang sa Intrams ng FEU kung saan nag-aaral ang iba sa gang. (Kate, Seira, Jeero)

“Hala Floid. Nganga na lang tayo dito? Sayang pamasahe.”

“Wag ka muna magulo. Maghintay ka lang dyan.”

Nandito kami ngayon ni Floid sa Gate 1 ng FEU. May magaganap na car show daw kasi at cosplay dito kaya naman makikinood kami. Kaso potek lang, bawal na daw pumasok outsider. -________-

“Tae naman o. Bakit kasi bawal na outsider? Last year di naman ah.” Reklamo ko.

“May nagsuntukan daw kasi nung isang araw. Kaya naghihigpit sila ngayon.”

“So ano, ganto na lang tayo talaga? Wala tayong friend.”

“Papunta na si Seira.”

“Bilisan nya kamo. Mukha tayong others dito. HAHA”

“Gusto mo marami tayo?”

“Oo naman. Tinatanong pa ba yan. Si Jeero kasi nasa bayan pa daw e.”

“Puntahan natin si Zeke.”

Hindi ko alam kung pinaglololoko talaga ko ng isang to e. Sarap sipain.

Pero honestly speaking guys, double purpose ang pagpunta ko dito. Una, para magpakasaya.

Pangalawa, para magmove-on.

Kung inyong natatandaan, sa university na to din nag-aaral si Blaire. At hindi ko alam kung bakit pero gusto ko sya makita. Gustong-gusto ko sya makita na kasama si Zeke.

I want to get hurt to the point na mamanhid na ko. Para gustuhin ko talaga sa sarili ko na kalimutan na sya. Para tanggalin ang katiting na pag-asang nananatili sa puso ko.

CHAROT. Ang drama. HAHAHAHA

Sabihin nyo nang tanga ko, pero I know, kapag nakita ko na sila... I’mma be okay.

“Haaaaaaaaaaaaay tagaaaaaal sayang oras. Baka nagsisimula na yung car show.”

Honestly speaking ulit guys, excited akong manood ng car show kasi kasali daw si Blaire sa mga magmomodel dun. Mehehehehehehe

Don’t worry guys, wala naman akong balak na awayin sya no. I just need, CLOSURE.

“Maghintay ka nga. Malapit na daw.”

“Ayun si Leng oh.”

Teka, boses na ni Seira yun ah?

“Hoy pano na?” mabilis kong tanong sa kanya. Baka nga kasi nagsisimula na yung car show.

“Itatakas na lang namin kayo.” – Seira

“Hala. Pano?”

“Pag marami nang tao, sumabay kayo sa pagpasok para di na mahalata na wala kayong ID.” – Kate

Ano daw? Parang kinabahan ako ng isa ah.

“Eh pano kung mahuli kami sa loob?” – Floid

“Baka ipatapon kami palabas nakakahiya!”

No Strings AttachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon