Level 3 - Savior

501 11 2
                                    

@arviah006 salamat ng marami :D

============================================================

"Sya pong nauna!!" nagturuan na kami ni impakta matapos naming makatayo. Maski yung iba sya rin ang tinuturo.

"Kayong dalawa sumunod kayo sakin!!" turo samin nung disciplinary at sumunod nga kami papuntang detention room. Sumunod din naman yung mga nakikiusyoso. Ano to prosisyon o follow the leader?? Nakarating kami sa labas ng detention room at kasunod parin yung iba. Pinapasok kami kaya yung mga viewers eh nakasilip sa bintana na parang nanonood ng libreng sine.

"Kada semester na lang hindi mawawala ng pangalan nyong dalawa dito sa logbook! Pangatlong taon nyo na dito ngayon, puro away parin!!" sermon samin ng disciplinary. "Ano na namang nangayari?" tanong nya saming dalawa. Naunang magsalita si impakta ng point of view nya sa pangyayari na pinagbibintangan at inapi daw sya.

Bumaling sakin ng tingin yung discpilanary at kwinento ko kung ano talagang nangyari. Nagpatawag ang disciplinary ng ilan mga naka-witness at hindi naman sya nahirapan kasi ang dami dun sa labas. May apat na pumasok sa room at tumutugma ang kwento nila sa sinabi ko.

"Hindi totoo mga sinabi nila maam!! Magkakasabwat po sila!!" may pag-iyak pang nalalaman si impakta.

Tinawanan ko na lang sya "Ayaw na sya yung pinagbibintangan tapos sya naman tong bintang ng bintang" sasagot pa sana si impakta pero nakuha na kami sa tingin nung disciplinary.

"Enough!! Ms.Imphoc lahat sila iisa ang sinasabi na ikaw ang nagpasimula ng gulo nyo ni Ms. Montemayor kaya tumigil ka na sa kakangawa mo dyan."

"Eh di titigil" sagot ni imapakta sabay punas ng mga mata nya. "Sayang luha ko." Napapikit na lang yung disciplinary at napahawak sa noo nya.

"Pakitawag kay John Marco Torres" utos ng disciplinaray sa mga naka-witness at maya-maya pa ay pumasok si Margo.

Tinanong ng disciplinary si Margo patungkol sa report nyang nasira. Tinanong din naman si impakta at sabi nya wala daw syang alam at pinagbibintangan lang sya ni Margo. Hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi nya o nagpapaka-best actress na naman to. Maya-maya pa ay pumasok naman si Des kasama ang isang interior designer student na kaklase nila Margo at impakta. May ipinakita syang video na pinupunit ni impakta ang report ni Margo.

"Ano tatanggi pa?" sabi sa kanya ni Des.

"Argh!! Nakakaasar kayong tatlo kahit kelan!"

"Maari na kayong makalabas lahat maliban sa inyong dalawa Ms. Imphoc at Ms. Montemayor" naglabasan na nga sila pero sabay silip naman ulit dun sa bintana. "Alam akong alam na alam nyo na bawal ang gulo sa eskelahang ito kaya hindi na maiituturing na warning ang ginawa nyo. First offense na kayong dalawa" masyado kasing pinapangalagaan ng university ang magandang reputasyon nito na walang mga bayolente o basagulerong estudyante dito.

"Paglabas nyo dito dumiretsyo na kayo sa utility room at magsimula na kayong maglinis ng mga CR sa boung university maliwanag ba??" kaasar!! Mukhang isa na naman ako sa mga runners-up ng Ms. Tagalinis ng CR! "As for you Ms. Imphoc, sa ginawa mong pagsira sa report ni Mr. Torres, second offense ka na. Suspension for three days at alam mo na."

"Community service every weekend for four straight weeks. Ano pa nga ba" hobby kasi ni impakta ang maka second offense. Ako tama na ako sa first offense. Si impakta din naman ang dahilan kung bakit ako nagkakaroon ng offense.

"Tandaan mo Ms. Imphoc, sa oras na matawag ka ulit dito alam mo na kung anong mangyayari." paalala sa kanya which is third offense: expulsion.

That Secret GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon