Level 13 - Too late

327 5 0
                                    

@mariz143korean thank you!! :D

============================================================


Hindi pa nakuntento si impakta dahil ipinakita pa nya sa mga taong nakapalibot sa kanila. "Tingnan nyo guys, kitang-kita nyo naman yung nakasulat. Magnanakaw ka!!"

Nagsimulang magbulungan yung mga tao sa paligid nila at lahat sila nakatingin kay Louise.

"Ay akala ko kung sinong napakabait magnanakaw pala" sabi ni gir 1.

"Baka naman kasi naman panlabas nya lang yun" pag-agree pa sa kanya ni girl 2.

"Imposible naman! Hindi yun magagawa ni Louise!!" kontra ni boy 1. Oo nga tama sya.

"Di mo masasabi. Kilalang-kilala mo na ba sya?? Anong malay natin na baka nga magnanakaw ng pera o ng syota ng iba yan." kontra naman sa kanya ni girl 3. Hiyang-hiyang naman ako sayo teh!! Ni hindi mo nga rin ganun kakilala si Louise kung makapagsalita ka dyan!!

"Ano ba yan nasa loob pala ang kulo" dagdag pa ni boy 2. Hanggang sa naki-comment na rin yung iba.

Grabe na sila ha!! Gandang pagsasapakin sa tig kabilang pisngi nila nang matuhan sila sa kung anong mga pinagsasabi nila kay Louise!!

Sasabat na dapat ako para matigil sila sa mga pingsasabi nila pero huli na dahil tumakbo na papaalis si Louise. Tawang-tawang naman si impakta. Gulong-gulo na talaga ako kaya tumakbo ako pabalik kay G at binatukan sya.

"Aray!! Bakit ka nambabatok?!!"

"Tatlot kalahating engot ka rin no?? Bakit ganun yung letter mo??!!" sigaw ko sa kanya.

"First of all wag kang maingay , mamaya may makarinig sayo. Second hindi ako engot. And third ano bang problema mo sa letter ko. Totoo naman yung sinabi ko" kalmado nyang sagot.

"Yung totoo nanliligaw ka ba o nang-aasar lang! Nag- iisip ka ba??! Bakit mo sinabing magnanakaw si Angel??!" nanggagalaiting tanong ko sa kanya habang pinipigilan kong hindi sumigaw dahil baka nga may makarinig samin.

"Totoo naman ah..."

"Anong totoo??!! Naglolokohan-- " hindi ko na natapos ang sasabihn ko dahil bigla syang nagsalita.

"...ninakaw nya ang puso ko" sabi nya sabay ngisi. Para na akong nag-aalborotong bulan dito pero nung sinabi nya yun kumalma ako at nanlaki pa ang mga mata ko. "Oh tulala ka dyan. Ano nga palang reaction ni Angel??!" matapos nyang sabihin yun bumalik nako sa katinuan.

"Malamang nasaktan yun! Ikaw ba naman ang sabihan ng magnanakaw ka!!"

"Tsk! Hindi nya siguro nabasa yung kasunod" sabi nya at napakamot sa ulo nya.

"Anong kasunod?"

"May kasunod pa yun. Kaya nga dalawang folds yung card" sabi nya at pinagsisipa yung puno sa harap nya.

"Mamaya mo na pagsisipan yang puno. Mabuti pa hapanin mo na si Angel and comfort her. Pogi points din yun kahit di ka naman pogi" tumakbo na ako papunta kay impakta na tawa parin ng tawa. Mamatay ka sana sa katawawa mo.

Ivan's POV

Hindi ko alam kung malabo ba yung mata nya o sira-ulo talaga. Di raw ako pogi. Sabagay napaka pogi ko kasi. Maybe that's what she mean.

That Secret GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon