Bonus Round - Say what?!

52 2 0
                                    

Des' POV

"Des you know ha? Like dati doonek sa place ney yun ang hintayan" bilin ni Margo dali-dali na syang naglakad papa-alis.

Nandito kami sa mall para mag boy hunting. Dahil si Margo sya sa hindi lang to basta boy hunting.

Kung ano-ano kasing kalandian ang alam ng baklang yun para naman raw di boring. Kaya may step by step procedure pa syang ginawa.

Step 1: Kailangang maghanap ng gwapo, hot na guy. Yung tipong halos lahat ng kababaihan napapatitig sa kanya.

Step 2: Susundan sya at dapat hindi ako mahalatang sinusundan sya. Isipin naman nya masaydog patay-patay sa kanya kapag nahuli nila ako. Saka malaki ang possibility na turn-off na yun sakin.

Step 3: Kailangang mapansin nya ako. Kapag ganito ayos na. Wala na akong proproblemahin.

Step 4: Kung hindi naman nya ako napansin, ako na ang gagawa ng move para mapansin nya ako. Mga typical moves lang katulad nang magkakabungguan kami mga ganun.

Step 5: Dapat gentleman. Baka gwapo at hot nga manyak naman. Turn-off. Maghanap na lang ng iba.

Step 6: Kapag nasiguro akong gentleman syempre magpapa-cute na ako. Well sabi nga nila sa panahon ngayon endangered na ang mga gwapong straight at gentleman. Kaya kapag nakakita ka hulihin mo na bago ka pa maunahan ng iba!

Step 7: Kailangan ko syang kunan ng picture. Ilalagay yun ni Margo sa scrapbook nya. Remembrance na rin baka kasi baka di na ulit magkita eh.

So far wala pa rin kaming nahahanap na ganun. It's either taken na yung guy o kaya suplado ang case kaya hanggang picture na lang kami.

Naglalakad lang ako ng may nakita akong isang gwapo at hot na guy na pumasok sa isang store. Lumapit ako ng konti at pasimpleng kinunan sya ng picture gamit ang phone ko pero blurred kasi bigla syang gumalaw.

Gwapo nga sya pero mas gwapo pa rin si Nico my soon to be boyfriend and my future husband! Ang umangal ilulublub ko sa drum na puno ng tubig at ihahagis ko sa ilog!

Para akong stalker nito, pano sunod lang ako ng sunod sa kanya. Mukhang di nya at napapansin at hindi naman ako maka-timing na makagawa ng move para mapansin nya.

Tumigil naman sya sa isang shoe store kaya sumunod ako papasok. Pasimple ko ulit syang kinunan ng picture kaso blurred na naman. Napatingin kasi sya kung saan ako naroon kaya na nabigla ako at napatalikod na lang. Nagkunwari na lang ako na naniningin ng mga sapatos na pang babae.

Masyado akong nalibang sa pagtingin sa mga sapatos kaya di ko namalayan na papalabas na sya. Agad din akong lumabas at sinundan sya.

Suddenly he stop from walking. Tumingin sa likod nya. Wait, baka nahahalata na nyang sinunduan ko sya. Pumasok sa ako sa isang store para hindi ako mahalata.

Naglakad na ulit sya kaya sumunod na ulit ako. Maya-maya pa ay tumigil ulit sya sa paglalakad. Nagpanggap naman ako na tumitingin-tingin doon sa mga bag na nakadisplay sa isang store.

Sunod lang ako ng sunod sa kanya kung saan-saan hanggang sa mapadpad kami isang store. Kasunod lang ako sa kanya pero bigla syang nawala. Nasan na yun??

"Sinisundan mo ba ako?" nabigla na ang ako nang makita ko sya sa harapan ko. In fairness mas lalo syang gwumapo. Masyado akong na-mesmerize sa kanya kaya hindi ako nakapagsalita. "Miss alam kong gwapo ako kaya wag mo naman akong titigan ng ganyan baka matunaw ako" sabi nya sabay ngiti. Aba! Mayabang to ah! Pero sabagay totoo namang gwapo sya.

"Excuse me. Ikaw? Sinusundan ko?" pagtataray ko para hindi ako mabuko.

"Hindi ba? Eh anong ginagawa mo dito?"

"May bibilhin akong gamit ko" palusot ko na lang sabay kuha na lang nang isang box. Hindi na akong nag-abalang tingin kung anong lama nun. Naglakad na ako papa-alis pero bigla syang tumawa "May nakakatawa ba?!" tumigil sya sa pagtawa.

"Ikaw" sabi nya sabay tawa. Kapal nitong lalaking to para pagtawanan ako! "Mukha ka namang babae sa sout mo. Hindi ko akalaing lesbian ka pala" tumawa na lang sya ng tumawa.

"Ikaw lalaki ka! I'm a lesbian!!"

"Kung hindi ka lesbian bakit ka bibili ng brief?" sabi nya na tumatawa parin.

"Ako bibili ng brief?! excuse me!" pagtataray ko ulit.

"Ano sa tingin mo ang hawak mo?" napatingin ako sa hawak ko. OMG! Box pala to ng brief!! Binalik ko kaagad yung box sa pinagkuhanan ko. Pakiramdam o pulang-pula na ang mukha ko sa kahihiyan!

Aalis a dapat ako ng bigla nya akong higitin sa braso ko. "Aminin mo na kasi na sinusundan mo ako. Siguro may gusto ka sakin noh?" he said with a teasing smile.

May gusto ako sa kanya?? Syempre wala!! Si Nico lang ang gusto at mahal ko. Wala ng iba pa! "Kahit ikaw na lang ang natitirang lalaki dito sa mundo, hinding-hindi ako magkakagusto sayo!!" hinigit ko yung braso ko sa pagkakahawak nya pero ayaw nyang bitawan. "Bitawan mo nga ako!!" ngumiti lang sya sakin.

Hindi nya ako binitawan at may sinabi pa sya. "Balang-araw kakainin mong ang mga sinabi mo ngayon. Malay mo boyfriend mo na ako in the near future" natulala ako sa sinabi nya. Boyfriend his face! Si Nico lang ang gusto kong maging boyfriend!!

"Tama ako diba, my future girlfriend?" he said while smiling widely at me. Lumapit sya sakin at ilang inches na lang ang pagitan ng mga mukha namin. Dahil dun nag zoon-in ang gwapo nyang mukha. Wait! He looks familiar. May kamukha sya. Sino nga ba yun??

"Alam mo may kamukha?" nasabi ko na lang habang nakatulala sa kagwapuhan nya.

"Ah baka yung future husband mo" he said still with a smile on his face. OMG!! Wag kang ganyan matutunaw ako!! Wait!! Anong sinabi nya?!! Kamukha nya ang future husband ko??!! "See you soon my future wife" he said then let go of my arm and started to walking away. Naiwan kong speechless sa sinabi nya.


That Secret GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon