Level 46 - Answers

104 3 0
                                    

Bakit ang dilim? Tapos may nakita akong ilaw na galing sa isang kotse. Papalapit ng papalapit ito sakin at sobrang nakaka-silaw kaya napapikit na lang ko at pagmulat ko...

"Nasan ba ako?"

"Nasa clinic. Wag ka ngang feeling may amnesia dyan" agad akong napatingin sa kanan ko kung san galing yung pambasag na boses na yun.

"Tinatanong ba kita?! Sagot ng sagot di naman tinatanong. Saka anong feeling may amnesia ka dyan?! Di dapat sinundan ko ng 'Sino ako' line" sagot ko kay G na nakatingin sa kisame at nakahiga sa bed na katabi ng sakin.

"Mas okay na pa pala nung tulog ka. Nagising ka lang umingay na dito" tapos humina yung boses nya sa kasunod nyang sinabi "Akala ko pa naman may makaka-usap na ko" kaso wala na akong paki kasi di ko narinig

"Wow ha wow! Ano yun forever tulog na lang ko? Kung gusto mong tahimik di umalis ka! Dun ka sa library! Gusto mo pala ng tahimik eh!"

"Ako pa papaalisin mo eh ako nauna dito. Kaya pwede ba tumahimik ka na lang dyan. Ang ingay-ingay mo!"

"Makapagpatahimik to parang di sya maingay. Nakaka-asar! Minsan na nga lang makakatambay dito sa clinic at magrelax kaso may mongoloid naman sa tabi-tabi. Wala rin."

"Ano??!!"

"Wala! Di ko na kasalanan kung bingi ka. Sige ako na ang aalis alang-alang sa pagkakaroon ng kapayapaan sa clinic na to. Hiyang-hiya naman kase ako sayo eh!" di pa ganun ka okay ang pakiramdam ko at di ko rin suot ang salamin ko.kaya nakaka ilang hakbang pa lang ako na out of balance na ko.

Akala ko magkakaron naman kami ng kissing scene ng sahig pero may humigit sakin mula sa likod "Ayos ka lang?" ewan ko ba pero sobrang nabigla ako sa ginawa ni G na yun. Tingin ko kase sa kanya ay yung walang pakialam sa mga tao sa paligid nya maliban na lang kay Louise.

"Oo naman noh" kumawala ako sa pagkakaalalay nya at naglakad kaso blurred ang paningin ko kaya kapa-kapa ang peg ko.

"Ayos pala ha? Sa kakakapa mo nakakadalwang hakbang ka pa lang" asar! Porket malinaw ang mata mo!

Sasagutin ko palang sya kaso "Besssyyyy!!! Ano ka ba naman bakit nakatayo ka na agad?!! Ayos ka na ba??! Salamin mo nga pala pinabibigay ng nurse. Kamusta ka na? Masakit pa ba yung tama ng bola ng soccer sa ulo mo??"

Nagpipilit na akong umalis pero mapilit din si Des eh kaya napaupo nya ako sa kama ko kanina. Sinuot ko na lang salamin ko "Okay na ako bessy. Tara na alis na tayo" tatayo pa lang ako nang may narinig mahinang tumatawa "Napapano ka?!"

"Kaya ka pala may bukol sa ulo" humagalpak na sya sa pagtawa. Sasapakin ko na dapat si G kaso pinigilan ako ni Des.

"Ikaw nga tol binukulan mo sarili mo eh" singit ni Nico na pinipigilan ang pagtawa kaya natigil sa pagtawa si G. Tinanong ko si Nico kung anong nangyari. Pipigilan pa sya ni G pero huli na "Pagkatapos kasi ng one on one nila ni Roby kanina biglang binato ni tol ng malakas yung bola sa ring. Eh nagbounce back at tumama sa ulo nya" natawa na si Nico kahit ako.

"Targetin ba naman ang sarili" nag-appear pa kami ni Nico habang humahagalpak sa pagtawa.

"Ginusto ko ba yun?! Eh nakatalikod ako nun! Tatawa-tawa ka pa dyan para namang nakaiwas ka."

"Mabilis yung pangyayari eh. Pano ako maka-iwas?! Saka nagtataka ka pa kung bakit ako tumawa eh katawa-tawa naman talaga ginawa mo sa sarili mo!"

"Guys tama na---"

"Wag kang makialam Nico!" banta ni G kay Nico kaya lumayo na lang sya. "Ginusto ko ba yun?! Hindi ko naman alam na paghagis ko ng bola ring pala ang natarget ko."

That Secret GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon