Bonus Round - The untold chapter

490 11 3
                                    

Nagdadalawang isip pa si Louise kung pupunta pa ba sya ng sa coffee shop na sinabi ni Roby. Ilang beses na syang nagpabalik-balik at sa huli tumuloy na rin.

Malapit nya sya sa coffee shop nang makita nya si Roby na nakasandal sa likod ng kotse nito.

Hindi malaman ni Louise kung anong gagawin. Tatawagin ba nya si Roby o lalapitan na lang. Kaso si Roby na ang nakapansin sa kanya.

"Ella" bati ni Roby sa kanya na may awkward na ngiti.

Tumango na lang ang babae sa kanya bilang sagot. "Uhm... shall we go inside the coffe shop na?" tanging nasabi niya.

"Hind na" naguluhan si Louise sa sagot ni Roby "Okay lang ba kung sa ibang lugar na lang tayo mag-usap? Dami kase ng tao dito eh."

Pumayag naman si Louise. Ano pa bang magagawa nya. Nandito narin naman sya. Naisip rin nya na tama ang lalaki, mas okay na yung konti ang tao.

Sumakay sila sa kotse ni Roby "Where will we go ba?" tanong ni Louise.

"Depende."

"Saan?"

"Sa magiging sagot mo sa itatanong ko sayo."

"Then what is it?"

"Do you still have feelings for me?" nabigla si Louise sa tanong na yun. Sa dami ng pwedeng itanong ni Roby sa kanya hindi nya ito inasahan.

Pinanatili ni Louise ang composure nya at sinagot ang tanong ni Roby. Matapos nun umalis na sila.

***

Tahimik lang sila buong byahe. Tumigil sila isang park. Hindi na bago ang lugar sa kanila dahil minsan na rin silang nag date doon dati.

He really never fails to surprise me ani pa niya sa isip nya.

Naunang pumunta si Louise doon sa isa mga bridge malapit sa malaking fountain dahil bumili muna si Roby ng makakain sa isang food stall sa lugar.

"Thanks..." nahihiyang sagot ni Louise nang iabot ni Roby ang binili nya para sa kanya.

Ilang minuto matapos nun wala paring nagsasalita sa kanila. Pareho silang nagdadalawnag isip kung pano sisimulan ang pag-uusap tungkol sa past nila.

"So..." sabay at parehong sambit nilang dalwa kaya naging awkward lalo.

"Almost three years na rin pala since nung unang punta natin dito noh?" basag ni Roby sa awkwardness. Nakatingin lang sya sa nagsasayaw ng tubig ng fountain. Saglit syang nilingon ni Louise at pinanood na lang rin yung pagsasayaw ng tubig sa fountain.

Iisa lang ang tumatakbo sa isip nilang dalwa. Yun ay ang nangyari noong araw na yun...

Enjoy na enjoy si Louise sa paglilibot nila sa buong park. Sobrang thankful naman ni Roby kay Alex sa pagturo sa kanya ng lugar. Buti na lang at gala si erb at nadiscover nya ang lugar nato. Sabi pa isip nya nun.

Inabot na sila ng gabi. Namahinga at nagkwentuhan na rin sila dun sa isa sa mga bridge sa malaking fountain.

"Diba naging partner tayo dun sa pageant ng Intrams noong first year high school. Simula nun crush na kita" medyo nahihiyang pag-amin ni Roby kay Louise.

"Really?"

"Oo kaso binalewala ko lang hanggang sa lumalim ng lumalim ang nararamdaman ko sayo. Nung una di ko pa matanggap eh. Isipin mo naman kasi, si Roby Lee Sanchez isa sa mga ultimate playboy ng academy tinamaan ng malala sa isang tulad mo."

That Secret GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon