Level 36 - Round one

154 2 0
                                    

Ivan's POV

Bakit bumalik pa sya? Akala ko ba...

Sa dinami-dami ng mga university bakit dito pa nya naisapang pumasok? Nananadya ba sya? O hindi nya alam??

Pano kung magkita sila? Sinabi nya sakin...

Pero siguro naman naka move on na sya pero... pano kung hindi pa...? Pano na si----

"Tol sigurado ka bang gusto mo talaga syang makausap?"

"Oo nga bakit ba?"

"Mamaya na lang kaya. Paniguradong madami tao doon, hindi na tayo makakasingit. Alam mo naman yun malakas din ang hatak sa chix katulad natin----"

"Wala akong pake. Ang mahalaga makausap ko sya."

"Tol wala ka bang klase ngayon? Baka malate ka."

"Bakit ba parang ayaw mong magkausap kaming dalawa?" kanina pa kasi to eh.

"Wrong timing kasi! Mamaya mauwi ulit kayo sa suntukan tulad dati----"

"Dati yun, iba na ngayon. Tara na" lalo ko pang binilisan ang paglalakad.

Ito namang si Nico humara pa "Tol atat na atat ka namang makita si Roby. Miss mo na sya no? Ikaw ha, hindi mo sinasabi sakin may lihim----" hindi ko na sya pinatapos sa kalokohang sinasabi nya.

"Wag mo na akong idamay sa kabaklaan mo Nico!"

"Joke lang tol. Chill ka lang. Pero tol mamaya na lang kasi pag uwian na. At least kapag nagsuntukan kayo wala masyadong makakakita diba?"

"Ilang beses ko ang sasabihin sayo na gusto ko lang syang makausap at hindi makaaway?" nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad.

"Tol hintay!!"

"Ivan!!" tawag sakin pero hindi ko pinansin. Si Nico naman ang lumingon.

"Tol si sir Dantes. Tinatawag ka."

"Alam ko."

"Eh bakit hindi mo pansinin?"

"Mamaya na. Mas mahalaga to."

"Ivan!" tawag ulit sakin ni sir Dantes pero tuloy lang ako sa paglalakad. Hindi naman sa wala akong galang pero kailangan ko talagang makausap ko si Roby. "Sa wakas naabutan na kita. Tara na!" excited pa ang pagkakasabi nyan ni sir pero di ako sumunod.

"Tol san kayo pupunta ni sir?" si Nico.

"Sa contest na nasabi ko sayo dati pa. Basta yun na yon."

"Hello tol. Contest kaya yun bakit di ka sumama kay sir?"

"Ivan baka malate tayo. Malayo pa yun dito."

"Sir sorry. Hindi po ako makakasama. May kailangan po akong gagawin ngayon."

"Wag kayong maniwala dyan sir. Nagjojoke lang yan " epal ni Nico kaya sinamaan ko sya ng tingin.

Ngumiti lang sakin ng nakakaloko si sir "Wag mo saking sabihin yan Ivan. Sa dean mo dapat sinasabi yan" may tinuro sya. Sinundan ko yun ng tingin at nakita kong papalapit sa samin ang dean.

"Mr. Montes bakit nandito pa kayo? Mabuti pa sabay sabay na tayong tatlo na pumunta sa venue."

"Ano tol kaya mo?" bulong sakin ni Nico. Nang-aasar pa to eh!

That Secret GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon