Level 27 - Nth move

205 5 0
                                    

Sana naman hindi na ako pumalpak ngayon. Gumising pa ako ng maagap para lang dito.

"Good morning sir Ivan si ma'am Louise ba hanap mo?" tanong sakin ng guard.

"Opo eh, nandyan pa po ba sya?"

"Nasa loob sir, pasok ka."

***

"Ivan" kaya mo to. "What brings you here this early?" tanong nya habang bumaba ng hagdan.

Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa sofa bago ako sumagot sa kanya "Gusto kong bumawi" whoo! Buti nasabi ko yun ng di nauutal.

"Bumawi for what?"

"Sa nangyari last friday. Kaya ako na lang maghahatid sayo kung ok lang?"

"Sure. Kahit naman di ka na bumawi. Ikaw talaga" nakangiting sagot nya. "By the way have you eaten breakfast na ba?"

"Yeah."

"Mag breakfast ka na lang ulit best friend" eto naman tayo sa best friend na yan. Pero di bale, balang araw magiging boyfriend din yan. "Tara" sumunod na ako sa kanya sa dining room.

***

Nasa loob na kami ng kotse ko at buti successful na ang move #4. Next is move #5. Bago kami umalis may kinuha ako sa backseat.

"Louise para sayo nga pala" binigay ko sa kanya ang isang fresh red rose. Tuloy parin naman ang pagbibigay ko ng bulaklak at letter sa kanya bilang si secret admirer.

"Wow, thanks. Para san naman toh?"

"Wala lang, baka kasi magustuhan mo and by the looks of it nagustuhan mo nga" ngumiti sya sakin bilang tugon.

"Just a minute Ivan. Ipapalagay ko lang to sa kwarto ko" whoo!! Two consecutive successful moves. Sana magtuloy-tuloy na.

***

Nakarating na kami sa university and as usaul ang dami na namang babae ang nag-aabang sakin. Wala eh, gwapo ako.

Pinark ko ang kotse ko at dali-dali akong lumabas kaya bago pa nya mabuksan nauhan ko na sya.

Move #5 check. Be a gentleman to her. Ewan ko nga kung bakit pa yun sinama ni S samantalang gentleman naman ako. Diba?

Habang naglalakad kami may mga side comments akong naririning.

"OMG! sila na ba??!!"

"Whaaaaaa!! Gumuho na ang pangarap kong maging kami ni prince Ivan!!!! Huhuhuhu."

"They look good together."

Hear that? Haha!

"Some people these days, parang whenever they saw a boy and a girl together binibigyan na nila agad ng malisya" mahinang sabi nya habang umiling.

"Is there something wrong Louise?" painosenteng tanong ko. Tumingin sya mga estudyanteng nakapaligid samin. "Just don't mind them. Ok?" tama dahil ako na lang ang pansinin mo.

Nag nod sya sakin bilang sagot at ngumiti. Ivan bawal maglaway.

Ng madaanan namin yung mga lalaking palaging nagbibigay ng kung ano-ano kay Lousie pasimple akong ngumisi sa kanila. Kung pwede lang pumutok ang litid nila ng parang sa mga anime sa sobrang asar sakin siguro pumutok na yun.

"Pano ba yan pre wala na tayong pag-asa kay Louise. Matindi ang kalaban natin" talaga!

"Ouch pre! It hurts you know. Broken hearted na nga ako lalo mo pang dina-down" pag-eemote nung kung sino mang epal.

That Secret GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon