Level 9 - Troubled

384 8 3
                                    

@ShiroiUsagi_ thanks a lot :D

============================================================

Pagdating ko bahay agad akong dumeretso sa ref at kinuha lahat ng pwede kong kainin. Bwisit na gago yun! Gandang itapon sa dark hole sa Milky Way para mawala na!!

Naubos ko na lahat ng mga kinuha ko pero badtrip parin ako.

"Hulaan ko may nambwisit sayo kanina noh?" sabi ni ate Rose na kararating lang dito sa kusina. Tumango na lang ako. "Kung gutom ka pa meron pa akong niluluto para sa hapunan natin hintayin mo na lang" kilala na talaga ako ni ate Rose.

Nagpunta ako sa kwarto ko at binuksan ang laptop ko sabay open ng Skype. Baka online si Orb kaso hindi kaya nag Facebook na lang ako.

As usual natambakan na naman ako ng friend request. Halos mga babaeng di ko naman kilala.

Yung iba nagme-message pa sakin katulad ng hi pwede kang txt mate, may girlfriend ka na ba?, 'pwede ka bang maging boyfriend?' at dito ako pinakanatawa 'gwapo mo naman sa proflie pic mo'.

Hindi ako poser. Ako talaga yung profile pic ko. Nagtra-try nun si Margo ng mga wig na babagay sa kanya kaya nag try na rin ako. Yung sa kanya mga pangbabae yung akin yung mga panglalaki kaya yan ang resulta. Kahit nga si Louise nagwagwapuhan sa profile pic ko. Kung naging lalaki siguro ako baka isa ako sa mga heartthrobs sa university.

Magla-log out na ako nang nagka-notif ako sa friend request. Tiningnan ko kung sino. Baka kilala ko naman kaso...

Ivan Montes Confirm Not now

May message pa yan.

Ivan: Accept mo agad. Utos yan muchacha

Ako: Ayoko nga! At wala kang karapatan na utusan ako!

Ivan: Pasalamat ka nga ako pa nag-friend request sayo

Ako: Oh tapos?

Ivan: Madami kayang naghahangad pa na maging friend ko sa Facebook

Talagang consistent sya sa kayabangan nya ha.

Ako: Fyi hindi ako isa sa mga naghahangan na yun

Ivan: Accept mo na nga lang

Ako: Friends ba tayo? Di kita kono-consider eh

Ivan: Hindi naman porket nag send ako sayo ng friend request friends na tayo. Kung yun nga iba libo-libo ang friend sa fb pero hindi naman talaga sila friend nung mga yun

Ako: Mabuti na yung malinaw na enemies tayo

Ivan: Hayaan mo pag may ganung social net working site ikaw na ang una kong ia-add. Accept mo na lang yan as frienemy request.

Ako: Frienemy??

Ivan: Friends at the same time enemies.

Fine. Much better.

Ivan: Pag di mo pa in-accept magkita na lang tayo sa detention room bukas

Ako: Sa pagkakaalam ko may deal tayo na hindi ka magsusumbong basta tuturuan kitang ligawan si Louise

Ivan: Nakalimutan mo na ba? Sinipa mo kaya yung binti ko. Buti na lang nga at di namaga

Ako: Blackmailer! Dapat lang yan binti mo. Maghintay kang matapos nag suspension ko at sisiguraduhin kong mamamaga talaga yan

In-accept ko na. Ano pa bang magagawa ko, baka pagpasok ko di na ako papasukin.

Ivan: Buti naman in-accept mo na

That Secret GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon