Bonus Round - Here comes the AWESOME Referee

42 1 0
                                    

Nico's POV

Matalino man si Ivan mas mautak at gwapo naman ako kesa sa kanya. Kaya nga nagtataka parin ako kung bakit mas maraming naaakit na chix yun nang walag kaeffort-effort. Subukan ko rin kayang magkapa suplado minsan noh?

Pero bago yun, pipigilian na isang malaking gulo.

Since hindi ko alam kung nasan si Roby ngayon, pumunta na lang kung saan nya pinark ni Roby ang kotse nya at doon naghintay. Siguro pagkatapos ng mga thirty minutes dumating na rin sya.

"Tol!!" masayang bati nya sakin sabay yakap tapos ng bro fist kami parang dati. Tagal rin naming di nagkita eh "Musta na?"

"Eto mas gwumapo, pero pwede saka na lang ang kamustahan----"

Napakunot ang noo nya sa sinabi ko "Bakit naman?"

"Basta! Umalis ka na bago pa may gulong mangayri!!"

"Teka nga Nico hindi kita maintindihan. Anong meron?"

"Gulo!!" nang mapatingin ako sa likod. Nako po!! "Ayan na nga paparating na ang gulo!!" pinagtulakan ko sya papasok ng kotse nya.

"Anong gulo eh ikaw ang magulo dyan eh?!"

"Basta pumasok ka na!! Ang dami pang tanong eh..." inis-start na nya yung kotse. Pagkatinigin ko kung nasan si tol sobrang lapit na nya samin. Tapos yung tingin nya sakin ihanda-mo-na-hukay-mo-Cruz!!

Hindi naman sya napansin ni Roby. Dahil na rin sa katangahang taglay nitong si Ivan...

♪Bogsh!!

"Ivan!!!" kitang tumatakbo na yung kotse humara pa. Tanga nga.

Agad na lumabas si Roby ng kotse "I-ivan!!" tutulungan ko nang tumayo si Ivan kaso naunahan na ako ni Roby. Sige sya na. Alam ko namang miss na miss na nila ang isat-isa eh.

Teka! Hindi to pwede! Gulo!!! "Ayos ka----" hindi na natapos ni Roby kung anomang sasabihin nya nang itulak sya ni Ivan. Ito na naman po! Nagsisimula na naman sila!! Ay hindi pala, si Ivan lang.

"Ayos ka rin noh!! Matapos mong magtago ng tatlong taon nagawa mo pang magpakita!!" tapos kwinelyuhan nya sya . Tamo ka tong si Ivan. Sabi walang away na magaganap eh ano to? Gulo?

"Tol tama na yan!!" pigil ko kay Ivan bago pa sila magkasakitan.

"Wag kang makialam dito Nico!" seryosong sabi nya. Parang may dark aura na nakapaligid sa kanya. Kakatakot ha! Minabuti ko na lang lumayo "Bakit ka pa ba bumalik ha?!?! Para saktan ulit sya??!! "

Susuntukin na nya si Roby "Ivan wag sa mukha. Sayang kagwapuhan eh----"

"Wag kang makialm Nico kung ayaw mong sayo dumapo to!!" pertaining sa kamao nya.

"Pero Ivan----" at death glare ang napala ko "Sabi ko nga doon na ako."

"Masaya na sya eh!! Tapos ano?!!" Ivan.

"Alam kong mali ang ginawa ko. Kaya nga inaayos ko----" Roby.

"Inaayos?!! Gago!! Sa tingin mo ba maaayos mo pa yun na parang dati?!! Patawa ka pala eh!!" nagpapatawa ba si Roby? Hindi naman diba? Itong si Ivan patawa.

Hinigpitan pa ni Ivan ang hawak nya sa kwelyo ni Roby. Ready na ang kamao nya para suntukin sya ng....

"HOY!!!"


That Secret GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon