Level 14 - New rivals

290 8 0
                                    

@CrOsOfficial2 thank you!! :D

============================================================


Ngayon sigurado nako sa nakikita ko kaya napahagalpak na ako sa tawa.

 "Anong tinatawa-tawa mo dyan?!" asar na tanong ni G. Hindi ko sya sinagot at inasar ko pa sya lalo. Haha!

"Alam ko na kung bakit ka nagpapaka-emo dyan."

 

 

"Hindi nga sabi ako nagpapaka-emo!!" iritang sagot nya kaya lalo akong ginanahan sa pang-aasar sa kanya.

 

"Oo nga pala hindi ka nga pala nagpapaka-emo. Nagseselos lang? Diba?Diba?"

 

 

"Hindi kaya!Bakit naman ako magseselos?"

"Di daw, halata kaya."

 

 

"Oo na! Nagseselos ako! Kaya pwede ba tumahimik ka na lang!"

 

 

"Edi umami ka rin"hindi ko na talagang mapigilan na humagalpak ulit sa tawa.

"Ano namang nakakatawa nagyon?!"

 

 

"Pati ba naman best friend mo pinagseselosan mo?" tapos tumawa na lang ulit ako.

"Di ako nagseselos kay Nico!"

 

 

"Eh kaino ka pa magseselos.Alangan namang kay Louise.Papalusot ka pa eh wala ka namang lusot."

 

 

"Hindi nga! Nakakainis! Wala man lang akong magawa para mapagaan ang loob nya!!" sigaw nya sakin, take note magkatabi lang kami.

"Hindi ako bingi kaya hindi mo ako kailangang sigawan!!" sigaw ko tenga nya kaya agad nya yung tinakpan. "Bakit kasi hindi ka lumapit sa kanya??!!"

"Nandun na nga si Nico ano pang gagawin ko?!"

 

 

"Engot ka talaga! Kung sino ba ang nauna sya na lang ang pwedeng mag-comfort sa kanya?!! Tapos ngayon magseselos ka dahil si Nico ang kasama nya at hindi ikaw!!" tumayo nako at naglakad papaalis.

Bad trip talaga si G kahit kailan! Makapagklase na nga lang. Anong oras na ba? Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko pero wala akong makuha. Aba teka! Bumalik ako kung nasan si G.

"Ano may sasabihin ka pa? Sisigawan mo na naman ako dahil ang engot ko? Sige, bahala ka" napanganga na lang ako sa sinabi nya. Yung totoo?

"Ang drama mo alam mo yun? Kukunin ko lang ang phone ko" kinuha nya ang bag nya at kinuha dun ang phone ko. Walang gana nya yung inabot sakin at umalis na ko. Nakasalubng ko naman yung mga kasama ko kanina.

"Alex!!" girl 5."Favor naman oh. Tulungan mo naman kaming i-approach si Louise. Walang may lakas ng loob samin eh. Puros mga nahihiya at di alam ang sasabihin" gusto kong tumulong pero may klase pa ako eh. Pano to??Isip tulungan mo nga ako.

That Secret GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon