Level 45 - Knock out!

109 3 0
                                    

Ivan's POV

(Tol bilis, pinapatawag na tayong lahat ni coach) sabi sa tawag ni Nico. Try outs parin kase ngayon para sa mga aspiring members kaya nagpa late na ko. Nakakatamad manood eh. Ngayon ko nga lang naisipang manood. Pagpasok ko ng gym agad na kumulo ang dugo ko. Anong ginagawa nya rito??!!

"Ok team, sa naganap na try outs noong mga nakaraang lingo sila na lang lima ang natira matapos ang elimination. Tulad ng dati kayo na ang bahalang pumili ng tatlo. Halos lahat kayo nakita kung pano sila maglaro. Madali na kayong makakapag decide kung sinong deserving na maging member ng team. So simulan na natin."

Nag-usap ang boung team kung sino ang pipiliin sa lima. At anak ng! Kasama sya!! Sya pa ang pinaka una nilang napili. Habang nagtatalo-talo sila kung sino pa yung dalawa hinigit ko si Nico "Bakit di mo sinabi sakin na nandito sya?"

"Tol sabi mo sakin wag na wag akong magbabanggit ng kahit anong tungkol sa kanya sayo" napaface palm na lang ako. Ilang saglit pa nakapili na sila ng tatlo. Si captain na ang nag-announce.

"Last but not the least na pasok na sa team ay si Sanchez!" nagsasaya silang lahat kasama yung mga bago. Ako, hinihintay ko lang yung sasabihin ni coach. Yung tradition ng team kapag may bagong member.

"Since nakapili na kayo, ready na ba para sa one on one?" sigawan ang team dahil doon.

Clueless ang mga bago kaya ipinaliwanag sa kanila yung one on one kung saan may tatlo sa team na nakikipag one on one sa gusto nilang maka-one on one sa kanila. Isang beses lang pwedeng makalaban ang bawat isa kaya paunahan. "Sinong gustong magsimula?" sa wakas.

"Ako" natigil ang ingay dahil sa sinabi ko. Alam kasi ng buong team na wala akong pakialam sa ganto. Si Nico naman mukhang nakutuban na ang binabalak ko kay lumapit sakin.

"Tol kung ano man ang iniisip mo wag mo nang gawin. Mas gugulo pa ang chismis sa inyong dalawa eh" buong sakin ni Nico.

"Bago to ah. Sinong gusto mong maka-one on one sa kanila?" tanong sakin ni captain.

Pasimple akong ngumiti "Sya" wala naman syang reaksyon na para bang alam na nya na mangyayari to.

"Mukhang magandang laban to ah. Anong makain mo Ivan at nagparticipate ka ngayon?"

"Ewan ko rin captain."

"Ahh... kasi captain magkakabarkada kaming tatlo nina Roby. Diba nga kababalik lang nya ng bansa at namiss lang ni tol na makipaglaro sa kanya diba tol?" todo ngiti pa si Nico samantalang seryoso lang akong nakatingin sa kanya.

"Kaya naman pala. Mabuti na rin. Hindi ko pa napapanod makipag-one on one tong si Ivan. Yun namang one on one namin di naman counted yun."

"Tol wag na..." pigil pa sakin ni Nico pero wala syang magagawa.

"First to make three shoots wins" kumuha si captain ng bola. Habang wala pa sya agad ko tong sinabi kay Roby "Tulad ng dati" alam naman nya kung anong ibig sabihin nun. Kung sinong talo kailangang sundin kung ano man ang ipapagawa ng panalo.

"Okay simulan na ang laban. In the count of three. One... two... three!!" pumito si coach at agad na inihagis ni captain paitaas ang bola.

Nakuha ko yung bola kaya sinundan nya ako. "Sa dami naman ng pwedeng salihan talagang basketball pa napili mo" sinabi ko yan habang drini-dribble ang bola. Maaagaw nya dapat pero nashoot ko na kaagad.

That Secret GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon