Bonus Round - Say what you wanna say before your time is up

98 3 2
                                    

Miss Starine thank you po ulit! ^_^

============================================================

"Louise... m-mahal kita" napakamot ako sa ulo ko at pumunta sa may pinto "Masyadong mabilis naman kung ganun lang ang sasabihin ko" bumalik ako kung nasaan ako kanina. Para bang nararamdaman ako na mauunahan na ako ng iba eh kaya napagtanto ko na kailangan ko ng aminin tong nararamdaman ko sa kanya. Bago pa ako mahuli.

"Eh kung tanungin ko na lang kaya sya?" pumunta ulit ako sa may pinto "Louise pano kung sabihin ko sayo na mahal kita hindi dahil best friend kita kundi higit pa? Pero hindi eh, ano yun pagkakita ko sa kanya ganun kaagad ang bungad ko. Hay...." bumalik ulit ako sa pwesto ko kanina.

"Alam ko na! Ganto na lang... Louise bata pa lang tayo mag best friend na tayo. Simula nun tinamaan nako sayo. Yung bang makita lang kita kompleto na araw ko. Mapalapit ka lang sakin bigla na lang bumibilis tibok ng puso.

Sigurado ako Louise mahal kita na higit pa sa best friend. Ganun katagal kong tinago tong nararamdaman ko para sayo kase natatakot ako. Natatakot ako na baka layuan mo ako kapag malaman mo. Na pati yung pagiging mag best friend natin mawala pa. Sana payagan mo akong ligawan ka Louise para mas maiparamdam ko sayo kung gano kita kamahal..."

"Talaga..."

"Oo---- WHAT THE!!! TOL?!!!" nakatungo kase akong nagmomonologue. Hindi ko na napansin na may tao pala. Saktong pag-angat ng ulo ko nakita ko yung pagmumukha ni Nico na nakangiti pa sakin ng nakakaloko.

"Yieeeee!! Tol ha! Si Louise lang pala ang tinitibok ng puso mo eh. May 'Angel' ka pang nalalaman yieeeeee!"

"Ang ingay mo! Pag may nakarinig sayo patay ka sakin! Ano ba kasing ginagawa mo dito sa classroom namin??"

"Napadaan lang ako. Pasalamat ka pa nga at ako ang nakarinig sa pagmomonologue mo eh. Kaya tol ano ng plano?" umakbay sya sakin at taas-baba pa mga kilay nya.

"Plano?"

"Plano.... diba aamin ka na kay Angel mo" enemphasize nya talaga ang Angel. Lakas din ng pang-asar nito kaya ayaw kong sabihin sa kanila "Wag mong sabihin na aamin ka sa kanya tapos yun na yun?"

"Ganun na nga."

"Hay nako tol. Wala ka man lang bang kasweetan sa katawan mo? Gawin mo kayang memorable ang pag-amin mo sa kanya noh."

"Pano?"

"Basta romantic. Teka si Roby ang magaling sa mga bagay na yan eh. Mapapunta nga dito" bumitaw sya sakin at tinawagan si Roby.

"Tol nasaan ka?........ Anong basta? Punta ka dito sa room nina Ivan ........ Bakit kami ang pupunta dyan? ........ Anong basta may surprise ako?!........ Gago! Alam kong bawal ipalam kaya nga surprise. Namimilosopo ka pa. Ano ba kaseng ginagawa mo dyan? Punta ka na dito? ........

Anong sinabi mo???! Nakita mo na si miss Katherine???! Walang hiya ka tol dapat kanina mo pa sinabi para kanina pa ako nakapunta dyan!!" humarap sya sakin "Tol tara na sa open field" hinigit nya ako pero di ako nagpahigit.

"Anong meron?"

"SI MISS KATHERINE NANDITO!!!" masayang sigaw nya. Foundation week kasi ngayon ng academy kaya.

"Si Katherine Villanueva yung sinasabi mong girl of your dreams na girlfriend ni Jake Flynn?" todo tango sya sakin.

"Alam mo tol kung ginagawa lang ako agad ng mga magulang ko baka bago pa nya makilala si Jake Flynn kami na."

That Secret GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon