Level 17 - My turn

256 5 0
                                    

Wala naman eh! Tumigin ulit ako dun sa apat na kala mo nga sardinas kung magsiksikan dun sa isang sulok nitong CR. "Hoy kayong apat nasan yung black lady ha?! Ituro nyo nga!" baka kasi ako lang ang hindi nakakakita.

"H-ha??" kabadong sagot nila.

"Yung black lady! Ano nasa tabi ko ba?? Kaya kayo takot na takot na nakatingin kung nasan ako noh?!"

"W-wala p-po k-kaming n-naikikitang b-black l-lady" sagot ni kapre.

"Anong wala?? Eh bakit kayo nagkakaganyan?! Porke nakikita nyo di nyo man lang bigyan ng warning kung nasan!"

"Promise po wala po kaming nakikita. Wag na po kayong magalit samin master" si zombie

Ansaveh? "Master?" nakakunot nong tanong ko. "Pinagloloko nyo ba ako?!"

"Hindi po" si dwende. "Wag na po kayong magalit samin. Nagsasabi po kami ng totoo"

"Sorry sa ginawa namin sayo kanina master" si tikbalang. "Nagsisi na po kami" lumapit silang apat sakin ng nakaluhod.

"Hoy! Ano ba!!" pano nakayapos sila sa binti ko habang nagmamakaawang wag ko silang saktan. "Pwede ba lumayo kayo sakin!!" lumayo nga sila na parang masunuring tuta at nagsiksikan ulit dun sa isang sulok.

So I guess this is my turn. Pasalamat sila at di ko sila sasaktan katulad ng ginawa nila sakin. Wala naman akong mapapala. Walang thrill. Mga takot ng lumaban sakin tong mga to. Hmm... tatakutin ko na lang sila lalo. "Kayong tatlo!" pertaining kina tikbalang, kapre at dwende.

"Y-yes ma-master?"

"Buksan nyo na yung pintong kung ayaw nyong matulad dyan sa leader nyong zombie!" utos ko sa kanila.

"H-indi p-o n-amin m-mabubuksan master k-ase po..." si dwende sabay siko kay tikbalang.

"Kase ano?!" iritang tanong ko kay tikbalang.

"Kase po..."sabay siko naman kay kapre.

Tinginan ko naman ng masama si kapre "Subukan nyong magsikohan kayo ang sisikuhin ko!" panakot ko.

Napalunok ng laway si kapre bago sumagot "K-kase po n-naka-locked yun sa l-labas at w-wala po s-amin ang s-susi!" mabilis na nanginginig na sagot nya.

"Ok that leaves me no choice" seryosong sabi ko nagsitakbo sila dun sa pinto at pilit na binubuksan. Kinuha ko ang salamin at tumingin sa pinto kung saan sila nagkukumpulan. Naglakad ako papalapit sa pinto. Bigla namang nagsisigaw yung apat habang pinipilit sa buksan yung pinto.

Yung totoo? Feeling nila nasa horror movie sila at may papalapit sa kanilang multo o killer? Mga isang metro na lang ang pagitan ko sa kanila ng tumigil ako sa paglalakad.

"Master please wag mo kaming sasaktan" zombie.

"Sasaktan?" tanong ko pero iba ang sagot nila. Nice talking.

"We tried our best pero hindi talaga mabuksan" si dwende.

"Nasa isang kaibigan namin ang susi pero mukhang wala sya sa labas" si kapre.

"Maawa po kayo samin master. Madami pa po akong pangarap sa buhay" out of the blue sabi ni tikbalang.

"Anong kinalaman ko sa pangarap mo! Magsi-alis nga kayo dyan sa may pinto!!" iritang sabi ko.

"Ha?" sabay-sabay na sabi nila.

"Anong ha kayo dyan! Hahampasin ko talaga kayo pag di pa kayo umalis dyan!"

That Secret GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon