Level 12 - First move

323 6 1
                                    

@princess_supladitah ^_^ super duper thank you sayo!!!!

============================================================


Nakaupo ako dun sa isa sa mga bench dito open ground na malapit sa may cafeteria ng school. Tamang naglalaro nung bago kong download na game. Pampalipas oras din. Maya-maya may tumabi sakin. Di ko pinansin kung sino yun kase busy ako sa paglalaro.

"S" buhay pa pala to. Akala ko na-abduct na ng mga aliens. Ilang araw na ring di nanggagambala tong gagong to.  Hindi ko na lang sya pinansin at nag focus sa paglalaro. Kunwari wala akong naririnig. "S" tawag nya ulit. Bigla syang tumayo at akala ko aalis na mambwibwisit pa pala. Ihara ba naman yung kamay nya dun sa nilalaro ko! "S!!"

"Ano ba!! Nagka minus points tuloy!! Asar ka!!" galit na sigaw ko sa kanya.

"May problema kasi" sabi nya sabay yuko.

"Problema mo yun. Wag mo akong idamay!!" iritang sagot ko.

"Anong probema ko lang?! Problema mo rin yun kaya sumama ka sakin."

"Sabihin mo naghahanap ka lang maiidamay mo sa problema mo. Kaya no way!! Bahala ka dyan."

 

 

"Ah ganun."

 

 

"Hoy!!" bigla nyang kinuha sakin yung phone ko! "Akin na yan!!" pilit kong inaagaw sa kanya pero pilit nyang nilalayo. Bwist!!

"Ibabalik ko lang lang to sayo kapag ayos na yung problema ako" sabi nya nang nakangisi at naglakad na papaalis. No choice kaya sumunod ako kung saaan sya pupunta. Leche naman oh! Kung di lang dahil sa  phone ko!!

***

Nakarating kami sa parking lot at wala na halos tao. Pumunta sya sa kotse nya at may kinuha syang  tatlong red roses. "Yan ba ang ibibigay mo kay Angel?" pertaining sa bulaklak.

"Malamang, ano ayos ba?" pagmamalaki nya sabay pakita sa akin.

"Tatlo lang? Ang yaman-yaman mo hindi mo pa ginawang isang bouquet. Pano ka sasagutin ni Angel nyan? Simula pa lang ng panliligaw mo tinitipid mo na sya."

 

 

"First of all, kaya tatlo lang kasi 'I love you' ang ibig sabihin nito. Second as I said, alangang bigyan ko sya ng tatlong bouquet di nahirapan sya sa pagdadala. And third hindi ko sya tinitipid. Kaya kong ibigay sa kanya kahit anong gusto nya, kahit gano pa kamahal."

"Di nga?" sagot ko na lang. "Pano kung gusto nya ng palasyo na nakatayo sa tuktuk ng bundok?" Paghahamon ko. 

"Yun lang? kayang-kaya kong ibigay sa kanya" mayabang na sagot nya.

"Pano naman kung gusto nya na yung bundok na pinagtatayuan ng nung palasyo eh nasa gitna ng EDSA? Ano kaya mo?" paghahamon ko ulit.

"San ka nakakita ng bundok sa gitna ng EDSA?"

 

 

"See, inamin mo na di mo kayang ibigay lahat ng gusto ni Angel" pang-aasar ko.

"Ewan ko sayo. Sigurado naman ako na hindi yun ang gusto ni Angel. Kung tinutulunagn mo na lang ako sa problema ko para mabawi mo rin yung phone mo" iritang sabi nya. Pikon ka lang kasi.

That Secret GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon