Level 37 - When bitterness strikes

154 2 0
                                    

What has Eighty-eight keys but can't open a single door?

"Piano" sagot ko sa staff. Binigyan nya ako ng instruction, puzzle piece na malay ko kung para saan at susi. Yung susi magagamit ko raw next station.

What is next in this sequence: JFMAMJJASON?

First letter ng bawat month ang sequence so D ang sagot.

Habang sinusundan ko ang instruction papunta sa next station nahagip ng paningin ko si G na nakakulong. Nabigyan siguro to ng card na go to jail. Buti nga!

"Hoy S buksan mo na."

Ngumiti lang ako ng pang-asar sa kanya "Ayoko nga."

"Hindi ka makakalampas ng next station ng wala ako."

"Maniwala gago."

"Di maniwala sira ulo."

"Bahala ka dyan!" bwiset! Makapunta na nga sa next station.

"Naasan ang partner mo?"

"Nandun nakakulong."

"Kailangan mo muna syang palabasin para makalampas kayo sa station na to" nganga na lang ako sa sinabi nya at bumalik sa kulungan ni G.

Ivan's POV

Sumandal na lang ako sa pader. Kanina pa ako agit na agit na matapos na tong round one at makabalik na sa EU. Kaso nakulong pa ako. Banas yung lalaking ginamitan ako ng card na go to jail!

Narinig ko na lang ang pagbukas ng rehas. Napatingin naman ako kay S na mungot na mungot.

"Hindi ka pinalampas ano?"

"Labas na! Kung bakit kasi kailangan ikaw pa ang partner ko!!" naglakad na kami papunta sa next station.

"Rereklamo ka pa. Swerte mo ngat ako ang partner mo."

"Grabe! Isa ka siguro sa dahilan kung bakit nagkaron ng signal number five na bagyo no?" hindi ko na lang sya pinansin at kinuha ang riddle sa staff.

A dad and his son were riding their bikes and crashed. Two ambulances came and took them to different hospitals. The man's son was in the operating room and the doctor said, "I can't operate on you. You're my son."

How is that possible?

"The son's doctor is his mom" binigyan kami ng isang instruction at dalawang puzzle piece.

Magkasama na kami ngayon. Nakalagay kasi sa mechanics na kapag five girls at five boys lang ang natitira kailangang magkasama na kayo ng partner mo. Kung out na ang partner mo maghahanap ng bagong partner na out na rin ang partner.

Kung kanina agit na agit ako ngayon medyo natatawa na ko. Pano si S may pa exhibition pang nalalaman sa pagbaril noong may nakasalubong kaming ibang players. Daming alam nitong babeng to.

May mga bonus riddle kaming nakita tulad ng...

Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.

"Baka immortal yan."

"Sira."

"Bawal mag joke? Kandila kase talaga."

Mary's father has 5 daughters – Nana, Nene, Nini, Nono. What is the fifth daughters name?

"Si Nunu haha!" binigyan ko sya ng waley look at sinamaan nya ako ng tingin "Oh eh di si Mary!"

That Secret GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon