Bonus Round - For the better or for the worse?

104 3 0
                                    

Lumayo ako sa kanya. Dati nagbabatian pa kami tuwing nagkikita kami ngayon ngingiti na lang ako sa kanya at aalis na. Iniiwasan kong makita sya. Effective naman kahit papano kasi nabawasan yung sakit na raramdaman ko. Ang hirap kasing kalimutan ang isang bagay kung laging may nagpapaalala sayo nun.

Tamang papauwi na ako nang nakita ko sya "I-ivan..." nagulat pa ako kase nasa likod ko lang pala sya.

"Louise... ikaw pala sige una na ako ang dami kasing kailangan gawin eh" agad akong pumasok sa kotse namin. Sorry Louise... pero kelangan kong lumayo sayo hanggang mawala tong nararamdaman ko sayo.

Kaso parang may mali? Parang may iba sa kanya ngayon?

***

Simula na ulit ng foundation week ngayon. Mag-iisang taon na rin pala. Kahit papano hindi na ganun kasakit katulad ngdati kapag naaalala ko ang nangyari ng araw na yun. Siguro nga malapit na akong makapag move on. Woo! Improving! Konti na lang siguro babalik na lahat dati... yung hindi ko na kailangan pang layuan sya.

Noong mga nakaraang araw. Ewan ko ba pero para talagang may mali. Minsan nakikita ko si Louise na parang umiiyak. Pero hindi ko na nilapitan. Sigurado naman kasi akong dadating si Roby para sa kanya. Anong gagawin ko dun, papanoodin kung pano i-comfort ni Roby si Louise? Lokohan lang?

Tapos eto pa, para syang may sakit kase ang tamlay nya tuwing makikita ko sya. Mukhang hindi naman siguro, nakangiti na sya ulit ngayon. Masyado na ata akong paranoid. Siguro kaya sya ganun kase malungkot lang rin sya para kay Roby. Lumalala na kasi yung cancer ng daddy ni Roby.

Lumipas ang mga araw at graduation na namin. Medyo napa-agap nga eh. Good bye projects, assignments at kung ano-ano pang mga pinapagawa sa school and hello summer!

Busy si Nico sa pagseset nung camera habang hinihintay namin si Roby. Kanina pa kasi nawawala. Siguro kasama lang ni Louise.

"Ayan na pala si Roby eh. Saan ka ba galing tol?" Nico.

"Ano sa labas lang nagpahangin... ang init kase dito sa loob..." Roby.

"Teka, umiyak ka ba tol? Namumula mga mata mo eh" napansin ko lang.

"Ano... napuwing ako sa labas... hehe" Roby.

"Grabe naman yung nakapuwing sayo tol, dalwang mata talaga hahaha! Sige start ko lang yung timer" lumapit na si Nico sa camera "Ok na mga tol pose na kayo" kung ano-anong pose ang pinag gagawa namin syempre remembrance rin to.

Dumating sina ate Yuela ,kuya Niel at kuya Trevor at sumama na rin sa pagpipicture. Last shot na naming nang may sinagest si kuya Trevor "Guys may naisip ako para maiba. Alam nyo yung larong Picture Perfect? Yung may ibigay na scene tapos dapat gagayahin nyo?" may nakakaloko pa syang ngiti nyan.

"Pwede..." ate Yuela "Anong scene?"

"Kasalan" kuya Trevor.

"Ayos ah. So sino ang ikakasal?" Roby.

"Hmm.... si Niel ang groom" kuya Trevor.

"Bakit ako?!!" kuya Niel.

"Gusto ko eh. Hehe" kuya Trevor.

"So si ate Yuela ang bride?" tanong ko. Namula si ate Yuela kaya kami nina Roby at Nico "Yeiiiihhhh!!! Ten ten tenen. Ten ten tenen!!"

"Heh! Tumigil nga kayong tatlo!!" ate Yuela.

"Sus! Eh kilig ka naman ate Yuela. Hahaha!" Roby.

"Hahaha! Pero sorry ate Yuela, sayang ang instant blush on mo. Di ikaw ang bride" Nico. Sigurado akong magkasabwat sila ni kuya Trevor.

That Secret GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon