Level 34 - Pieces from yesterday

163 4 0
                                    

"Manong janitor pwede po bang wag mo na akong isumbong sa disciplinary?? Sige na po. Ayoko ko pa pong ma-expel!" nakapit na pagmamakwa ko dun sa janitor.

"Sira ulo" ng marinig ko yun agad akong napamulat at napanganga. Si G lang pala. Kala ko nahuli na ako. "Ano bang binasag mo at hinahabol ka ng mga janitor na yun?"

"Sino ka para sabihin ko sayo??" mamaya pag sinabi ko sa kanya gawin pa nyang panakot sakin.

"Ah ganon? Hindi mo sasabihin? Eh kung sabihin ko kaya sa mga janitor na yun na nandito ka?" pananakot nya. As if na matatakot ako eh natakasan ko na nga ang mga yun.

"Ge push mo yan! Hanapin mo na sila ngayon."

"Sabi mo yan" may tiningnan sya. Sinundan ko yun ng tingin at nakita ko yung dalwang janitor. Tatawagin na nya yung mga janitor kaya tinakpan ko ng mga kamay ko ang bibig nya.

"Ok! Ganito kasi yon..." ramdam ko pang nag smirk sya. "Basta may binasag kaming bintana sa lumang building dahil kung hindi mahuhuli kami ng dalwang janitor na yun."

Inalis nya ang mga kamay sa bibig nya at lumapit sa mga janitor. Hinayupak na yun! Iisumbong na ako. What to do??

Akala ko isusumbong na nya ako pero nilampasan nya yung mga janitor. Phew! "Alam mo ba kung nasaan yung babae kasama mo kanina?" tanong nung isang janitor. Wag na wag mo akong isusumbong G!

Tumigil sya sa paglalakad at hinarap yung mga janitor "Babae?"

"Yung nakasalamin at nakapusod ang buhok?" si manong janitor 2.

"Sorry manong hindi ko na po alam kung saan sya nagpunta."

"Ganun ba? Mukhang natakasan na naman tayo pre" manong janitor 1.

"Ikaw kasi pre ang bagal mong tumakbo. Nadapa na nga't lahat yung babaeng yun kahapon tapos di mo na naabutan" manong janitor 2.

"Nadapa?" si G.

"Oo! Tatakbong-takbo kasi sya eh di ata napansin na may nakaumbok na ugat kaya yun lagapak sa lupa hahahahhaha!!" si manong janitor 1. Pati yung isang janitor at si G natawa na rin.

Bwisit! Tawanan ba naman ang kamalasang sinapit ko! Sarap hagisan noong malaking ahas ng lumang building eh!!

"Di yun iika-ika na sya. Nagtago pa nga sya doon sa mga nanood ng laro pero ang galing ko kasing maghanap kaya naubutan ko---- " buong pagmamalaking kwento ni manong janitor 2.

"Bilib na dapat ako sayo pre, kaso ang tanga mo! Imbes kasi na ilagan mo yung bola tinitigan mo pa hahahahahahaha!" sabat ni manong janitor 1. Natawa si G at ako natawa sa itsura ni manong janitor 2.

"Ano ba ang pangalan nung babaeng yun ng mapatawag na sa detention pati yung mga kasama nya!!" pikon ka lang manong janitor 2 eh bleh haha!

"Hindi ko po sya kilala. Kanina lang po kami nagkita. Sabi pa nga nya sakin takas sya sa mental" lalabas sana ako para sapakin si G. Mabuti na lang at napigilan ko ang sarili ko. Humanda ka talaga sakin mamaya!

"Takas sa mental? Pano sya nakapasok dito?" manong janitor 1.

"Sikretong malupet nya na raw yun."

"Balewala pala ang pagtugis natin sa kanya pre! Hindi naman sya mapaparusahan!!" manong janitor 2.

"Sabi ko na nga ba pre sira ulo ang babaeng yun. Ihagis ba naman yung ahas satin. Buti di tayo natuklaw nun!!" manong janitor 1. Naririning kita manong. "Tara na. Hayaan na natin yung babaeng sira ulo. Mamaya tayo mapagdiskitahan nya."

That Secret GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon