Level 21 - Hide and seek

253 5 0
                                    

"Girl maganda na ba ako?" rinig kong tanong ni classmate 1.

"Hindi eh, kailan ka ba gumanda girl?" sagot ni classmate 2. "Ako maganda na?"

"Nako girl mangarap ka na lang na gaganda ka pa" classmate 1.

"Girls una na ako sa inyo dahil hinihintay na ako ng prinsipe ko sa labas" patiling sabi ni classmate 3.

"Anong ikaw?! Ako kaya!!" sabay na sigaw nina classmate 1 at 2.

Ewan ko ba dito sa mga kaklase kung babae. Naging instant parlor tong room dahil halos lahat sila kanina pa nagmemake-up at nag-aayos ng buhok. Hinihintay raw sila kuno ng prinsipe nila sa labas.

"Ok I'm done. Let's go" sabi ni Louise matapos ayusin ang gamit nya. Naki seat in sya dito sa klase namin kase na late sya sa klase nya kanina.

Paglabas namin ng room napansin kong may nagkukumpulang mga babae sa isang tabi dito sa corridor.

"Louise!" napatingin si Louise sa kanya na tumatakbo papalapit samin.

"Ay girl hindi pala tayo ang prinsesang hinihintay ng prinsepe natin."

"Bes ng sakit. Umasa pa naman ko na baka ako ang hinihintay ni prince Ivan."

"Asa ka kasi ng asa bes wala namang nagpapaasa sayo" hashtag hugot si ate!

"May gagawin ka ba?" tanong ni G kay Louise.

"Girl bonding kasama si Alex."

"Sama ako" sabi ni G. Ano raw? Sasama sya?? Ayoko nga!

"Girl bonding nga eh, girl ka ba?" singit ko kaya pasimpleng sinaman nya ako ng tingin. Si Louse natawa na lang.

Maya-maya pa nag smirk sya sakin "Eh bakit ikaw?"

"Hello babae kaya ako."

"But you don't act like one" automatic nakatanggap sya ng death glare mula sakin.

"Why not tayong tatlo na lang guys ang mag bonding?" suggest ni Louise. Bonding? Kasama si G? Baka fighting kamo.

"Tayo na lang dalawa. Hindi naman makakasama si Alex."

"Bakit hindi ako makakasama?" baka ikaw kapag naihagis kita papuntang dark hole ng Milky way ngayon din!

"Pumunta ka raw sa office ni ma'am Karylle. Ngayon na" tiningnan ko ang phone ko at wala namang txt mula kay ma'am. Ano kayang meron at biglaan naman ata.

"Let me guess. Is that about the contest?" nag nod kami pareho ni G sa kanya. "Ok... so next time na lang?" sumagot ako ng ngiti at nagpaalam na.

***

Malapit na ako sa building kung nasan ang office ni ma'am nang may marinig akong nakakairatang boses.

"Pupunta ka talaga?" patawa-tawa sabi nya. Akala ko ba magkasama sila ni Louise? Ginagawa nito dito?

"Anong nakakatawa eh pinapapunta ako? Mongoloid ka talaga" poker face na sagot ko.

"Joke lang naman yun eh."

"Joke??!" nanggagalaiting tanong ko at nagawa pa nyang tumawa. Ibig sabihin kung pumunta ako sa office ni ma'am pahiya lang ako! "Anong trip mo at ako pang pinagtripan mo??!!"

"Chill ok. May kailangan kasi tayong pag-usapan kaya inabangan na kita dahil baka kung saan-saan ka pa magpunta. Kaso nakita kong magkasama kayo ni Louise kaya sinabi ko na pumunta ka sa office ni maam para makasama ko sya ng kami lang dalawa."

That Secret GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon