Level 38 - Find that guy

156 2 0
                                    

Ivan's POV

"Good job!" kalalabas lang namin ng building ng umakbay samin si sir at ginulo ang buhok ni S.

"Naman sir buhok ko!" reklamo ni S na tinawanan lang namin.

"How's the game? Balita ko may drama pang nangyari sa final station?" tanong ni ma'am.

Nagkatinginan kami ni S at natawa "Mahabang kwento" sagot ko.

"Mabuti pa mamaya na natin pagusapan yan sa late lunch buffet natin. Treat namin ni Yhael" kulang na lang magtwinkle ang mga mata ni S sa narinig nya. Basta katawan sya na ata number one. "Tara?"

Takas na lang ko. Babalik na ako ng EU.

"Nga pala Kharylle, next time na lang tayo ng mag lunch buffet? May gagawin pa kami eh" parang pinagbagsakan ng langit at lupa ng itsura ni S sa sinabi ni sir. Ano ba kasing gagawin nila? At sino ang kasama---- naramdaman ko na lang na hinigit ako ni sir "Mamaya ko na lang e-explain" pahabol ni sir kay ma'am.

Tatanungin ko pa lang si sir kung anong nangyayari pero naunahan na nya ako "Anong gagawin natin? Babalik sa EU."

"Ba----"

"Bakit tayo babalik sa EU? Para maayos mo na ang ang gumugulo sayo."

"Pa----"

"Pano ko nalamang may problema ka? Ivan halata naman sa inaasta mo bago pa tayo umalis ng EU. Kaya sorry kung naging makulit ako kanina sa pagpilit sayo na sumama dito. Imbes na naaayos mo na ang problema mo nandito ka pa" ngumiti ako sa kanya para di sya mabahala at sumakay na kami sa kotse nya.

"Kung kailangan mo ng masasabihin o tulong sa problema mo nandito lang ako, nandito kami ni Khraylle. Wag kang mahihiyang lumapit samin."

***

"Ano tol nagawa mo ba ang sinabi ko?" bungad ko kay ng Nico pagkakita ko sa kanya.

"Hindi eh----" relax na relax na sagot nya.

"Anong hindi??!! Pano na lang kung nagkita sila?!!? Baka umiiyak na sya ngayon!! Nasaan na----"

"Tol easy ka lang. Hindi pa kasi tapos ang sinasabi ko. Hindi ko sya nabantayan kasi hindi sya pumasok ngayon" nakangiti pa sya habang sinasabi sakin yan. Mabuti naman.

"Sorry tol, alam mo namang proprotektahan ko sya sa kahit anong magpapalungkot sa kanya" na hindi ko nagawa dati.

"Tama na ang pag-eenmote tol. Naiiyak na ako sayo eh" biro nya.

"Sira!" natatawang sabi ko "Sige tol. Hahanapin ko pa yung isang yun."

Napakamot sya sa sinabi ko "Tol wag na. Mukhang masamang idea yan eh."

"Anong masama sa pakikipag-usap?"

Pinatong nya ang mga kamay nya sa magkabilang balikat ko "Tol kilala kita. Sa tagal na nating mag bestfriend alam ko na kung san papunta ang pag-uusap na yan."

"Ah basta!" tinanggal ko ang mga kamay nya at umalis kaso todo pigil naman sya.

"Tol!! Wag ng matigas ang ulo!!" hay nako Nico daig mo pa mga magulang ko.

"Tol ganda noong chix oh!" sabay turo kung saan. Agad na napatingin si Nico. Basta maganda at sexing babae.

"Tol asan??" hanap sya ng hanap kaya tinakbuhan ko na sya. Uto-uto rin yun kahit kelan. Bahala na kung pano ko hahanapin si Roby "Teka tol tingnan mo yun" sabi nya sakin ng maabutan nya ako.

That Secret GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon