Bonus Round - Moving on is not that easy

169 2 0
                                    

Kahit anong pilit ko sa sarili na maniwala na di sya yun...di ko magawa. Sya lang ang babaeng nakakapagpatibok ng puso ng ganto ... at mukhang sya rin ang magiging dahilan ng pagkadurog nito. Matapos kumanta ni Roby, inalis nya ang gitara sa pagkakasakbit sa kanya. Panay sigawan sa pero wala akong naririnig dahil focus ang atensyon ko sa kanila at dun sa sinasabi nya.

"Ella aaminin ko playboy ako dati pero nasira ang prinsipyo kong yun dahil sayo. Stick to one na ako ngayon. Honest to promise..." ginaya pa nya si Honesto sa part na yun kaya maraming natawa. Dapat isa ako sa mga nagtatawanang yun pero... wala eh...

"Ano pa bang hahanapin ko eh nasa yo na nga ang lahat kaya hindi ko na kelangan pang tumingin sa iba. Ikaw yung tipo ng babaeng hindi dapat lokohin, saktan at lalong-lalo ng hindi dapat paiyakin.

Kung may papatak mang luha sa mga mata mo sisiguraduhin ko na tears of joy yun. Kaya Ella hindi ko na to papatagalin pa, baka maunahan pa ko ng iba sa dami ng nagpaparamdam sayo" may lumapit sa kanilang mga lalaking may hawak na cardboard na may nakasulat na letter bawat isa.

WILL YOU BE MY GIRLFIEND

Yun ang nabuo nilang phrase tapos may nag-abot kay Roby ng isa pang card board na ang nakagalay ay question mark. Masakit man sa tenga ang tilian ng mga tao sa paligid pero wala nang mas sasakit pa sa narinig kong sagot nya...

"Yes Lee I'll be your girlfriend" masayang sagot nya. Yung saya sa mga mata nya ngayon... yun ang saya minsan ko lang makita kapag kasama o kausap nya ang lalaking yun na si Roby pala...

Yes Lee I'll be your girlfriend.... Yes Lee I'll be your girlfriend.. Yes Lee I'll be your girlfriend...Yes Lee I'll be your girlfriend...

Puta!! Parang may sirang plaka lang sa utak ko. Paulit-ulit!! Mas gusto ko pang marinig yung sigawan kesa dun. Tumingala ako para pigilan ang pagpatak ng luha ko. Ito na nga bang sinasabi ko eh... sa sobrang torpe ko wala na... huli na ako...

Wala ako sa sariling umalis sa lugar na yun. Kung sino-sino na ang nabangga ko pero wala akong paki-alam.

"Tol san ka pupunta?! Ivan hintay naman!! Makapagmadali to kala mo may ka date!!" hindi ko na lang pinansin si Nico at mas binilisan ang paglalakad.

Nakarating ako sa may likod ng gym at di ko na napigilan ang sarili ko. Buti na lang walang tao.

"Bwisit!!!" pinagsisipa ko yung mga damo "Bakit kase sobrang topre ko?!! Bakit??!! Akala ko okay na kase handa na ako! Aamin na ako sa kanya eh!! Pero puta naman oh!! Kahit pala umamin ako ngayon huli-huling na ako!!! Bakit palagi na lang akong huli pagdating sa kanya??!" pinagsusuntok ko na lang yung lupa at hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko "ARRGGHHHH!!!!" napahiga na lang ako sa damuhan.

"Tol!!! Okay ka lang??!!" hingal na hingal na tanong ni Nico. Hindi ko na sya masagot sa sobrang sakit nang nararamdaman ko ngayon. Pinikit ko na lang mga mata ko. "Ivan!!! Sagutin mo ako!!! Tol wag mo akong iwan!!!!" sinigaw nya sakin yan habang inaalog ako.

"Ano ba Nico *sniff* wag ka ngang magulo *sniff*..."

"Sorry naman, akala ko kase bigla ka na lang binawian ng buhay dyan. Pano kase di ka sumasagot."

"Sira!! *sniff* Di mo naman lang *sniff* chineck kung *sniff* huminihinga pa ako *sniff* Saka patay agad *sniff* OA mo talaga *sniff* hindi ba pwedeng *sniff* hinimatay lang...?"

"Tol... umiiyak ka... for the first time in forever--- Aw!!" nabatukan ko nga, babanat pa eh.

"Tanda mo tol yung sinabi ko *sniff* na ang o-OA ng mga taong broken hearted *sniff* Kaya nga tinawan kita kanina nung nag-eemote ka *sniff* Tapos yung iba kung maka-iyak kala mo katapusan na *sniff* ng mudo nila *sniff* Ngayon alam ko na kung bakit *sniff* Kase ang sakit *sniff* Ang sakit kapag nalaman mong may gustong iba yung *sniff* mahal mo *sniff*..."

That Secret GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon