Level 15 - The real rival

290 6 0
                                    

@Secret_Feellings thank you!! :D

============================================================  

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Kung panaginip man to ayos lang kahit di ako magising. Pero sigurado akong hindi to panaginip dahil totoong niyakap nya ako!!

Ito siguro yung sinasabi ni S na pogi ponits na makukuha ko. Maybe I should thank her for this.

Kumalas na sya sa pagkakayakap sakin pero hindi pa rin ako bumabalik sa katinuan. "Are you alright?" saka lang ako bumalik sa reyalidad.

"Ahh...oo naman. Hehe" kinakabahang tawa ko.

Ngumiti sya sakin tapos napatingin sya dun sa bulaklak na hawak nya. Lalo akong kinabahan. Sakin galing yun eh!!

She opened the card and read the message quietly. "What's written on this letter is still the same pa rin naman. Ano kaya yung sinasabi nung girl kanina? Look Ivan wala namang ibang nakasulat diba" pinakita nya sa akin yung letter ko.

"O-oo" nauutal at wala sa sarili ko pang sagot dahil mas lalo akong kinakabahan.

"Maybe I should give this back to that girl. Sayang naman kung itatapon ko."

Teka anong sabi nya? Itapon?? Sayang naman yung effort ko.

Hindi parin ako makapag-isip ng matino dahil sa kaba kaya "Ah oo tama. Ibalik mo na lang dun sa babae" wala sa sarili ko paring sagot kesa naman itapon nya.

"Ok. Lets go. Baka malate pa tayo. Malapit ng mag start ang klase natin" naglakad na sya papa-alis at naiwan akong nakatayo dun.

Saka lang nag sink-in sa utak ko ang mga pinagsasabi ko kanina. Hindi!! Hindi mo pwedeng ibalik yan dahil para sayo talaga yan. Tigil!! "Wag!!" naisigaw ko na lang kaya napatigil sya sa paglalakad. Patay na! Bakit ko ba sinigaw?! Dapat sa isip ko lang yun!

"Wag?" palusot, palusot. Where na you. I need your help. Now na!! Tsk, para akong bakla kung magsalita. Nahahawa na ako sa kabaklaan ni Nico.

"Ahh...wag mo nang ibalik dun sa babae. Diba sabi nya kaya yan ipinabaik ni Alex sayo dahil dun sa tunay na message nyan."

"Sabagay, pero wala ng ibang pang nakasulat. Kahit kung kanino galing wala rin."

"Patangin ako" sabi ko na lang para hindi ako mahalata. "Tingnan mo Louise may isa pang fold. Buksan mo kaya, baka nandyan yung kasunod nung letter" sabi ko na parang ngayon ko lang nakita na dalawa yung folds nung card.

Binuklat na nya yung isa pang fold nung card and read it silently. Habang binabasa nya, mas lalo akong kinabahan sa magiging reaction nya. Nawala na lang ang kaba ko at napalitan ng saya ng makita kong ngumiti sya matapos nyang basahin.

"Ayos ba" bigla ko na lang naitanong.

"Ha?" patay!

"Ahh...what I mean is, ayos ba yung letter nang admirer mo. Kinikilig ka na ata dyan eh."

Ngumiti na lang sya sa akin "I wonder who's this secret admirer" sabi nya habang nakangiting nakatingin sa card. Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nakatitig sa kanya kaya agad akong mapaiwas nung tumingin sya sakin. "Bakit kaya hindi nya to binigay ng personal sakin?"

"Ahh...ano...baka nahihiya, natotorpe natatmeme sa kagandahan mo. Oh baka natatakot baka layuan mo sya" yun naman talaga ang dahilan ko kung bakit hindi ako makapanligaw sa kanya ng personal.

"Is that so, paano mo nasabi?"

"Kasi ako..." sasabihin ko sana na ako yung secret admirer nya ng bigla akong natauhan "...ay manghuhula!" nag fake na tawa ako. Muntik na akong mabuking!

That Secret GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon