Level 30 - Help!

191 4 0
                                    

Papunta ako sa isang lumang building dito sa EU na di na ginagamit. Yoon kasi ang sinabing lugar ni impakta kung nasaan sila ni Margo.

Sinabi nya rin na isama ko si Des kaso tinamad akong bumalik sa loob ng gym kaya mag-isa na lang ako. Nagtext na lang ako kay Des na hintayin na lang nya ako sa may main gate at ako na ang bahalang maghanap kay Margo.

Nagbanta pa nga si impakta na wag daw akong tatawag ng pulis. Talagang hindi ko gagawin yun no. Anong na lang sasabihin ko? Kinidnap po ang best friend ko ng impakta. Baka mamaya madala pa ako sa mental ng di oras.

Ilang saglit pa nakarating na ako. Binuksan ko na yung gate at medyo mahirapan pa ako sa pagbubukas kase kalawangin na. Nakakailang hakbang pa lang ako ng makita ko sa corridor si impakta na nakangisi sakin habang nakapameywang pa.

"Where's Deserie? I warned you to bring her with you cause you might need her help but oh well it's great to see that your alone" then she smirked at me. As if I'm threatened from what she said.

"Pwede ba tumigil ka na sa kaka-english mo. Kanina ka pa english ng english di naman bagay sayo. Nagmumukha ka lang trying hard mag english!!" singhal ko sa kanya.

"Lair."

"Itanong mo pa sa iba" paghahamon ko. Totoo naman ang sinasabi ko.

"Girls!!!" sigaw nya at naglabasan mula sa isang room ang limang babae. "Now asks them" naka smirk pang sabi nya.

"Ang panget nyang mag-english diba?" sabi ko sa kanila at nag nod sila sakin. Like what I said.

"What's the meaning of this?!!" galit na tanong nya sa mga alalay nya.

"Eh kasi po queen Rhieta" yuck ha! Sya? Queen?? Sakit sa tenga! Anong potion ang pinainom nya sa mga alagad nyang to para mauto nya? "Wag po sana kayong magagalit pero ang panget po talaga ng accent nyo" nag nod yung iba bilang pagsang-ayon.

"Eh??"

"Kasasabi lang diba, gustong paulit-ulit?" sarcastic na sabi ko.

"Fine!! Hindi na muna ako mag-eenglish! Magpra-practice na muna ako!"

"Well I don't care. Since tapos na ang english speaking issue mo, nasaan na si Margo?"

"Girls!! Ilabas nyo ang feelengerang bakla na yan!!" utos nya at pumasok ang dalawang babae sa loob ng room. Paglabas nila hawak nila si Margo na may busal sa bunganga. Siguro sumigaw to ng sumigaw kaya binusalan nila. Maya-maya pa ay tingangal na nila ang busal ni Margo sa bibig.

"Besssyyyyy!!!! Help me!!! You're here!!! Save from this ugly creatures!!! Get me out of here bessss----"

"Tama na Bessy. OA na."

"OA na bey? Dapat sinabey mo netch agaden. Naka-wreck ng poise you know" reklamo nya. "Help me netch kaya to get out of here. Like I have to retouch pey. I have this feeling netch sabog na sabog na beauty ketch."

"Eh pano ka ba kasi napadpad dito?"

"It's all her fault!!" tinuro nya ng nguso nya si impaktita dahil nga nakatali ang mga kamay nya. "Gusto nyetch mag disappear ditey sa mother Earth ang napakagandang Dyosa like me!!"

"Weh?" sabay-sabay na sabi namin. Nag pout na lang sya at parang batang nagta-tantrums.

"Wag ka ngang ambisosya!! Ni wala na ngang laban ang pagmumukha mo sa paa ko pa lang!!" si impakta.

That Secret GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon