Level 49 - Bombs

95 5 0
                                    

"Baka pinsanin ko yun. Malaki kasi angkan namin eh hehehe... Sige una na kami."

"Nice meeting you guys" sabi ni orb. Naglakad lang kami ng konti at nung nakatalikod na sila samin patago namin silang sinundan.

***

Kakasunod namin napadpad kami sa isang mamahaling restaurant. Si G ang nagbayad ng mga inorder ko tulad ng napag-usapan. Pumwesto kami sa pinakamalapit na table sa kanila. Nag-uusok na naman si G sa nagtatawanang sina orb at Louise.

Hay nako, mabubuo na ba ulit ang ElLe? Pano na ang DeBy? Pano na ang feelings ni orb kay Des? Nawala na ba yun ng parang bula? Matutuloy na ba ang DeNi? Pano na ang LouAn? Magiging luhaan na lang ba si G sa huli? Speaking of G, mukhang may binabalak na masama tong mongoloid na to.

May papalapit na waiter at dadaan sya sa pagitan ng table namin at kina Louise. Si G nireready na ang paa nya para talapidin ang walang kamalay-malay na waiter para matapon ang dala nito kay orb. Eh engot talaga to eh. Pano kung kay Louise yun matapon o kaya sakin? Ayoko ko nga noh!

Binilisan ko ang pagkain at kunwari kong nadanggil yung inumin ko. Tumulo yung softdrink kaya yung nakaharang paa ni G iniwas nya para di mabasa at napansin yun ng waiter. Agad naman na nilinis yun ng janitor.

"Sinadya mo yun ano?!" ngumiti na lang ako sa kanya ng pang-asar at nagpatuloy sa pagkain. Sya naman bitter mode pa rin at nagpatuloy lang sa pagmamasid sa kina Louise hangganag sa "Oy tama na yan papaalis na sila."

"Sandali! Limang subo na lang" nagmadali ako sa pagkain. Sarap kase eh "Ikaw nga di mo man lang nagalaw ang pagkain mo!"

"Oh limang subo na tara na!"

"Last na!"

"Tama na!"

"Wait iinom lang ako!"

"Anong iinumin mo eh tinaktak mo nga diba?" tubig! Kaka-uhaw.

***

Sunod lang kami ng sunod sa kanila at ang masasabi ko lang ay nakakapagod at nakakagutom!! Idagdag mo pa ang mga mapang akit na amoy ng mga masasarap na pagkain. Tong mga pagkain na to wrong timing ang pangseseduce. Wala akong dalang pera okay! Pinapakalam nyo lang tyan ko eh!! Why are you doing this to me??!!

Sa tuwing uupo ako para magpahinga kakaladkarin naman ako ni G. Di man lang naawa sa paa ko eh! Nandito naman kami malapit sa event center at sobrang daming tao. Di na ulit namin makita sina Louise. Naghiwalay ulit kami ni G sa paghahanap sa kanila kaya nilubos ko na ang pagkakataon at nagpahinga sa isang tabi habang mga mata ko ang pinanghahanap ko sa kanila.

"Nahanap mo na?"

"Naku naku naku naku! Mabuti naman at dumating na kayong dalawa! Kanina pa namin kayo hinihintay! Ilang minutes na lang magsisimula na yung event!!" sermon samin nung babaeng staff ata sa event na to.

Pero teka...ano raw?? Tatanungin ko pa lang si G pero hinawakan nya lang ako sa braso syempre para kaladkarin na naman "Tara na. Hanapin na ulit natin sila."

"Anong tara na?!! Hindi kayo pwedeng tumakas no!! Bayad na kayo! Baka gusto nyong makasuhan?!!"

"Anong bayad yun? Nasan ang parte ko?!!" tanong ko kay G na naguguluhan na rin.

"Parte ka dyan eh wala naman akong natanggap. Sorry ma'am pero nagkakamali ka po. Hindi po kami yun."

"Yung manager nyo na lang ang tanungin nyo tungkol dyan. Saka hindi ako pwedeng magkamali. Ikaw yung dinedescribe nya sa text nya sakin" pinakita nya samin yung text "Hintayin mo na lang sila. Nastuck pa sila sa traffic eh. Basta yung isa sa kanila ay blue ang buhok at may dalang gitara."

That Secret GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon