Level 16 - Four vs. one

253 6 0
                                    

"Sa wakas! Nagkamali na rin kayong dalawa" natigil kami sa pagtatalo ni G nang sabihin yun ni sir Yhael. Sa kasamaang palad sabay kaming nagre-review ngayon ni G dahil may inaayos na mga documents ng game si maam Karylle.

Mga general knowledge ang topic namin.Ginawa naming quiz bee style ang pagsagot. Pagkakatapos ng isang tanong, isusulat ang sagot sa papel at itatas yun kapag sinabing times-up. Tulad kami palagi ng sagot ni G at ngayon lang nagkaiba kaya pinagtatalunan namin kung sinong talaga ang tama.

"Sir pano po naging mali yung sakin eh diba po ang K base sa SI system?" kontra ni G.

"Tanggapin mo na lang kasi na mali yung sagot mo kasi yung sakin ang tama."

"Anong yung sayo ang tama eh mali nga tayo pareho."

Humarap na lang ako kay sir. "Sir tama po yung M kase diba po sa roman numerals" humarap ulit ako kay G. "SI system ka pang nalalaman dyan eh yung roman numerals kahit grade one alam yun" kinontra na naman ako ni G at nagsimula na naman kaming magtalo.

"Awat na ok? Baka nakakalimutan nyo na quiz bee ang ginagawa natin hindi debate. Tama naman pereho ang mga sagot nyo. Alam nyo kung bakit mali? Kasi dapat pareho nyo yung isinagot. Eh tig-isa lang kayo."

"Eh sir diba po yung tanong nyo ay 'what letter symbolizes 1000?'. What letter ibig sabihin isa lang."

"May point ka Ivan. Pero this is a trick question. Some questions require more than one answers. Kahit isa lang ang hinihingi may dalawang letter ang pwedeng mag symbolize sa 1000. Kaya dapat ang sagot ay?"

"M or K?" sagot ko at tumango si sir.

Kumuha na ulit kami ng tig isang bond paper ni G. "Saka diba ang sabi ko magtatanong ako tapos sagutin nyong dalwa as a pair. Eh ang ginawa nyo naman magkahiwalay kayong sumasagot. Baka nakalimutan nyo na rin magka team kayo hindi magkalaban" nagkatinginan na lang kami ng masama ni G.

May ilan pang tinanong si sir at ang resulta wala kaming naisagot kahit isa. "Kanina sagot ang pinagtatalunan nyo . Ngayon naman kung sinong magsusulat o kaya kung sinong unang nakaisip ng tamang sagot. Hay... pano na lang kayong dalawa sa mismong game?" sabi ni sir at minasahe ang noo nya.

"Nga pala, ilang libro na ang nakuha nyo dun sa mga pinapakuha namin sa inyo? Yung pang review nyo."

"Apat pa lang po nakukuha sir. Pasarado na po kasi ang library nung pinakuha nyo yun."

Tumingin sakin si sir "Tatlo pa lang po."

"Ha! Weak tatlo lang!"

Binigyan ko si G ng death glare. Sasagot pa dapat ako pero nagsalita na si sir "Pumunta na ulit kayong library at kunin yung mga natitira sa listahan" seryoso? Ang dami-dami kaya nung nasa listahan na yun.

Nagpunta na kami ni G sa library at nagkanya-kanya sa pagkuha. Katulad nung isang araw pasarado na kaya iilan lang ulit nakuha namin.

"Dalwa lang? Ha! Ikaw pala ang weak eh" asar ko sa kanya nang makita ko yung nakuha nya. Apat kasi ang nakuha ko ngayon.

"Eh ang tataas kaya nung mga pinagkunan ko nito" nagsimula na namang kaming magtalo hanggang sa may nagpatahimik samin.

"Pati tong library di nyo na pinalampas sa pag-aayaw nyo" sabi ni sir Yhael. Teka kelan pa sya nandito?"Nagtataka kayo kung bakit ako nandito noh? Nagtaka rin kasi ako kung panong paghahanap ang ginagawa nyo at ang unti ng nakukuha nyo. Ngayon alam ko na" tapos may binigay sya saming tig-isang napakahabang listahan.

That Secret GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon