Level 40 - Still searching

119 3 0
                                    

"Basta! Mag-isip ka ng iba kung away mong isumbong kita sa disciplinary" hay... eto naman tayo sa famous panakot line nya na 'isumbong kita sa disciplinary' bow.

Sure ako parang binagyo na buhok ko sa kakakamot dahil sa inis kay G. Kanina pa eh! "Ano bang problema mo eh eto na nga ang pinaka effective na paraan para mafall sayo si Lo---- este Angel?!" muntik na ako dun ah. Nasa school pa naman kami. Ang dami ng posibleng makarinig samin. "Saka kumbaga sa gamot tested and proven na to."

"Nino?! Ni Roby!!"

"Oo nga sabi eh! Ano bang problema mo??!" paulit-ulit lang kasi!

"Yun na nga ang problama ko!! Lahat ng yun nagawa na ni Roby!!" napanganga na lang ako sa sinabi nya.

"Yung totoo? Ano ba talagang problema mo??" para na akong sirang plaka. Hindi ko na alam kung ilang beses ko nang tinanong yan sa kanya. Ewan ko ba sa gagong to kung bakit ang bitter-bitter kay orb.

Tutal hindi sinabi sakin ni orb ang dahilan kung bakit may something sa kinila ni G. Naisip ko na baka may past sila. Naging sila ni G noong sila pa ni Ella at hindi yun matanggap ni G. Parang ganito...

--Imagination--

"Ella... I'm very sorry pero... break na tayo..." si orb sa kausap nya sa phone.

"What's the meaning of this??!!" hindi si Ella yan. Dalagang pilipina nga ang role nya diba so si G yan.

Agad na pinatay ni orb ang phone nya. Kinakabahan at nanlalaki ang mga mata nya nang humarap sya kay G "Ho-ney?" yuck! Kahit ako nangingilabot sa naiimagine ko eh.

"Who's Ella?! Bee!" bromance diba? Ano ba kase tong naiimagine ko at pati si orb nagawang pumatol sa gagong yun?

"Let me explain honey----" orb.

"No more explanations bee..." sinuntok ni G si orb kaya nagka black-eye sya "Let's call this quits!"

"Honey!!"

--Reality--

Imagination pa lang kadiri na. Pano kung yun talaga ang nangyari or worse mas intense pa kaya bitter na bitter si G kay orb? Yuck! Kelangan ko ng paliguan ng alcohol ang utak ko.

"Wala ka na dun. Basta mamayang hapon bago mag-uwian dapat may naisip ka na. Kapag di mo ginawa alam mo na ang consequence..." tapos walk-out. Ge lang. Tutal dyan ka naman magaling eh!

Kinamot ko na todo ang ulo sa sobrang frustration. Parang ganun kadaling mag-isip eh ni di ko nga alam kung pano manligaw. Ang alam ko eh kung pano tapusin ang buhay ng mongoloid na yun! Mabuti pa nga. Mas bet ko pang mag-isip ng ganun.

Umupo ako sa bench at gumawa ng listahan kung pano sya mabubura sa mundong to.

Step one. Bumuli ng eraser which is waley. Nagsulat ako ng kung ano-ano. Saktong pagkatapos ko humangin ng malakas at napalad yung papel. Hinabol ko naman. Baka mapadpad pa to sa disciplinary sabihin may pinagtatangkaan ako rito sa school. Yun nga lang...

"Step one, bumili ng goodbye universe. SindIhan at ihagis directly sa mukha nya. Ano ba to..." nanlaki nga mga mata ni Nico nang makita nya ang title. Easy lang, luluwa eh. Joke! "How to kill the monkey named I-ivan" tumingin sya sakin.

"Si tol ba ang tinutukoy mo rito??" tumango ako sa kanya na may malapad na ngiti, yung mala demonyo. "Alex kung ano mang nagawa ni Ivan sayo ako na ang humihingi ng sorry. Wag mong gagawin tong mga to! Matakot ka sa Diyos!" eto naman si Mr. Peacemaker bow.

That Secret GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon