Level 32 - Date?

182 4 0
                                    

"Tol" / "Nico" sabay na bati sa nina Louise at GM.

"Uy kayong dalawa ha, anong meron sa inyo?" tukso ni Nico kina G at Louise.

"Kahit kelan ka talaga Nico" si Louise

"Oo nga tol ikaw talaga. Haha" dagdag pa ni G, pero deep inside gusting-gusto naman.

"Haha joke lang! Anong meron?" Nico

"Hang-out. Sama ka?" tanong ni Louise kay Nico.

"Pass muna ako. May date ako eh" sagot ni Nico at tumingin kay Des. Sigurado akong kilig to the bones yang si Des.

"D-date? Kayo?" bakit ang dami kong napapansing kakaiba ngayon? Kanina si impakta ngayon naman si Louise. Nangiti sya pero yung mga mata nya malungkot.

"Ah guys si Deserie nga pala" Nico.

"Nako late ka na, Alex already introduce her to us kanina" biro naman ni Lousie. Siguro nga imagination ko lang yun.

"Ahh.. ganun ba" pahiyang sagot ni Nico at nagtawan na lang sila.

"By the way since may date kayo ni Deserie" sabi ni Louise kay Nico at Des "I guess hindi na tuloy ang lakad nyo. Sama ka na samin Alex" sabi sakin ni Lousie at binigyan na ako ng most pleasing look na nakita ko. Shit! Ito na nga ba ang sinasabi ko eh.

Pasimple akong tumingin kay G at binigyan sya ng tulong!! look kaya nabahala sya lalo. Dapat lang! Gumawa sya ng palusot besides di lang naman ako ang magbe-benefit dito.

"Common Alex" pagpipilit ni Louise. Sorry talaga Louise, kung tayo lang dalawa sasama ako. "Please..." mukhang mapapasubo ako. Kayo kaya ang gamitan ng puppy-eyes look tingnan ko lang di kayo ma-hypnotize.

Papayag na sana ako ng... "Oo nga pala Alex sasama ka pa ba?" biglang tanong ni Nico.

"Saan?" promise wala akong alam sa sinabi nya.

"Nakalimutan mo na ba? Sabi mo babatayan mo si Des" tapos binigyan nya ako ng makisakay-ka-na-lang look at tumingin kay Louise. Asar naman tong naisip na palusot ni Nico. Parang alalay ang peg ko. "Overprotective kasi. Mukha raw akong di katiwa-tiwala" biro nya.

"If I was in your position Alex, most likely I'll do the same thing" sagot ni Louise kaya natawa kami.

"Next time na lang Louise. Babatayan ko pa tong dalawa eh. Baka mamaya maging tatlo----" pinaghahampas ako ni Des at natawa na lang si Nico at Louise. "Joke lang kasi wag mong kaseryosohin Des. May balak ka---- aray!!"

"Hahahahahahahaha!!" hagalpak na tawa ni G kaya napatingin kami sa kanya. "Babantayan mo sila? Diba parang muchacha yun?? Feel na feel mo talaga ang pagiging muchacha noh?? Hahahahahahaha!" yung tatlo natawa na rin. Hindi ko alam kung dahil sa sinsabi nya o dahil mismo sa kanya.

"Pagpasensyahan mo na tong si Ivan ha Alex" depensa ni Louise dun sa mongoloid na tawang-tawa parin. Asar!!

"Louise pwedeng pakisapak ang best friend mo kahit isang lang? Kung ayaw mo pwedeng ako na lang?" natawa lang si Lousie sa sinabi ko.

Ready na ako para sapakin ng isa si G ng higitin ni Nico ang bag ko "Sige guys una na kami bago pa magkasakitan tong dalawa."

"Bye!" si Louise.

"Teka!! Isa lang talaga" paki-usap ko kay Nico, pero tuloy lang silang dalawa ni Des sa paghigit sakin. Asar talaga yung mongoloid na yun.

Patuloy lang sila sa pagkaladkad sakin hangang sa tumigil kami sa tapat ng isang red na Merzedez Benz. Baka daw kasi bigla akong tumakbo pabalik at sapakin si G. Isa lang naman eh. Ay lima na pala.

That Secret GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon