Level 10 - Tutorial mode

349 7 0
                                    

@gabrielle_mendoza thanks a lot :D

============================================================

Nag ok sign sakin si ate Rose at lalo akong kinabahan. Aabutin ko na yung telepono kaso di ko pa kaya. "Ate Rose sabihin mo tempers muna. Para kasing naiihi na ako sa kaba" biro ko para mawala tong kaba ko.

Napatawa na lang si ate Rose "Alam mo Alex pang ilan dahilan mo na yan simula nung sinabi mo saking tatawagan mo ang mama mo. Eto na oh. Aatras ka pa ba? Pag pinatagal mo pa yan ikaw din."

Sige na nga. Inabot ko na yung telepono at muntik ko pang mabitawan dahil sa panginginig "Ano hello... ano... ma... ano... ako to... "

(Di na ako magtatakang ikaw nga yan Alex) narinig ko pa syang tumawa ng konti kaya gumaan kahit papano ang pakiramdam ko. Baka kasi galit sakin si mama. Baka ayaw nya akong kausapin dahil dun sa nagawa ko. (Hindi ako galit sayo. Wag ka ng mangatog dyan.)

"Weh? Ma di nga?" agad din naman akong napatikip ng bibig.

(Eto talagang batang to oh) buti naman at natawa na lang sya.

"Ma naman eh. Wag mo naman akong tawanan. Kabadong-kabado na nga ako rito."

(Oo na.)

"Ano ma nasabi na sayo ni ate Rose na may sasabihin ko diba? Ano kase" go me! Kaya to. "Ano yung ano..."

(Ayan ka naman sa puro ano mo.)

"Eto na talaga ma. Ay hindi. Wait lang pala. Ano ma pwede mamaya na yung mga comments mo pagkatapos kong magsalita. Medyo mahaba to eh. Eto na, one, two, three! Ma sorry. Sorry talaga. Sorry sa mga kasalang nagawa ko nitong mga nakaraang araw katulad nung alam mo na yung na suspend ako tapos di ko sinabi sayo."

"Eto explanation ko dyan ma. Kasi ma natakot ako na kapag nalaman mo baka di ka na umuwi rito. Kasi baka bigla mo na lang maisip na kinalimutan ko na yung bilin mo. Pero ma wag mo ng isipin yun. Promise ma. Hindi ko kinalimutan yun. Alam mo naman na lapitin ako ng gulo. Hindi ng chix ha."

"Saka yun ano sorry rin ma dahil nasigawan kita kahapon. Ma kasalanan ka yun ng isip ko. Sya ang nag-iisip nung sinabi kong yun. Pero joke lang yun ma. Bugso kasi ng damdamin yun. Pero ma hindi ako galit sayo ha. Kung nagalit ka man sakin matatanggap ko pa . Pero yung ako magagalit sayo ma hindi ko kaya. Kaya ma sorry na ha. Ma?"

Para kasing wala ng tao sa kabilang linya "Ma? Andyan ka pa ba?" hindi kaya biglang naputol yung tawag? Pero hindi eh may naririnig akong tawang-tawa "Ma!"

(Hay nako Alex. Hindi ko alam kung nagso-sorry ka ba o nagpapatawa.)

"Ma naman eh. Sincere na sincere na yung mga pinagsasabi tapos tinawnan mo lang. Ganyanan na ma."

(Nakinig naman ako. Kaso talagang di ko mapigilan ang di matawa. Sabi ko naman sayo Alex kinina. Hindi ako galit. Nag-aalala ko para sayo. Kaya sa susunod ha. Kung may mga ganung mangyayari, wag naman sana, ipaalam mo sakin. At anong hindi kita uuwian? Sinisiguro ko sayo na uuwi agad ako dyan at isasama na kita rito.)

"Yun nga ma. Ano alam mo naman na mas feel ko dito diba? Sabi mo kasi kahapon isasama mo na ako dyan. Dito na lang ako ma. Promise ko sayo ay hindi pala promise kasi hindi na naman ganun kadaling baguhin ang pagiging war freak ko. Ganto na lang ma . Susubukan kong umiwas sa gulo at away. Kasi ma mahirap talaga lalo na't may mga nagkalat na mga taong nakakabwisit ngayon. Hindi tagala ako makapagpigil na----"

(Alex.)

"Sabi ko nga ma, temperance is also a virtue. Yan na ang bago kong motto ngayon. Hehe. Ano ma, payag ka na?"

That Secret GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon