Level 18 - Series of unfortunate events

235 5 0
                                    

"Come on vamonos. Everybody let's go. Come on, let's get to it. I know that we can do it. Where am I going?" parang tangang gaya ko sa pagkanta ni Dora. Syempre mahina lang mamaya mapagkamalan pa akong baliw madala pa ako sa mental ng wala sa oras.

Hindi man maikli ang buhok ko, wala din akong bangs. Wala din akong mapa, sa phone meron pero meron naman akong bagpack di nga lang nagsasalita. Takot ko nalang kapag biglang nagsalita to.

Sabi ko nga matino pa ako. Excited lang masyado. Kanina kasi habang hinihintay yung prof namin nagkwekwentuhan kami nung isang classmate ko. Hanggang sa mapunta ang usapan namin sa bagong bukas na coffee shop sa may main gate nitong university. Saktong may binili sya at yun pa ang aking all time favorite na cheese cake.

Binigyan nya nga ako at syempre dahil cheese cake yun nangibabaw ang katakawan ko kaya wala ng hiya-hiya tinanggap ko na. Unang kagat ko pa lang parang akong nasa cloud nine sa sarap! Iba dun sa ibang cheese cake na natikman ko.

"Matanong ko lang, naka drugs ka ba o sira-ulo ka lang talaga at patalon-talon ka pa dyan?"

Tumigil ako sa ginagawa ko "Tingin mo sakin adik?! Masama na bang gayahin si Dora?! Kaya pwede walang basagan ng trip!" nilampasan ko sya. Nagpatuloy lang ako sa pagkanta at pagtalon.

Sumunod naman sya sakin "Lakas talaga ng mga trip mo noh Alex the explorer?" pang-aasar pa nya. "Nasan na nga pala yung partner mong unggoy?"

"Ah si Ivan. Si Ivan the monkey."

Sinamaan nya ako ng tingin "Nang-aasar ka ba?"

"Hindi ba halata?" then I smirked at him.

"Laking gwapo ko naman kay Boots!" lumalakas na naman ang hangin. Kokontra pa dapat ako pero "Ang kumontra sira-ulo" psh! Nauhanan na naman ako.

"Maniwala gago!"

"Ano??!"

Nginitian ko na lang sya nang nakakaloko "Hanggang sa muli! Paalam!!" dumila ako sa kanya na parang bata kaya lalo syang naasar. Kumaripas na ako ng takbo papuntang main gate.

Nung nakalayo na ako sa kanya nagtatalon na ulit ako habang mahinanag kumakanta. Dahil feel na feel ko yung ginagawa may muntik na akong mabangga. Nang makita ko kung sino yun agad akong napatigil kaso out of balance ako kaya ang resulta natumba ako sa daan.

"Oh Alex ayos ka lang ba?" si Mrs. DU!!

"Opo Mrs. D este Mrs. Gomez po pala hehe" masama ang kutob ko sa pagkikita naming ito!

"Mabuti naman."

Kailangan ko nang umalis dito! "Sige po una---"

"Favor naman Alex. Pakidala naman nito sa office ng dean ng college of education" sabay abot sa akin ng folder. "Salamat!" sabi ko na eh!

Naging favorite student na nya kase ako lately. Favorite utusan. Ni-request pa nga nya sa nag su-supervise samin sa pagco-community service na yun na lang ang task ko hanggang matapos ang parusa ko. Ang tulungan sya, more like ang maging utusan nya. Kaya imbes na every weekends lang ako magco-community service halos naging everyday na!

***

Nandito na ako sa may main gate. Nag sign ako sa logbook ng guard para makalabas at pumunta nako sa coffee shop. Mula dito sa labas kita ko na maraming tao. Mostly mga estudyante sa school. Pero dahil cheese cake yun ayos lang na pumila ng matagal. After mga ilang minutes, kakangalay, turn ko na para mag order. Finally!!

"Isang box po ng cheese cake" para may stock in case na magutom. Nakita kong papalapit na si ate. Ayan na, ayan---- "Ate isang box po ang order ko hindi isang piraso."

That Secret GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon