Level 41 - Wrong turn

104 3 0
                                    

Alex' POV

"Wala kaming kaalam-alam na noong gabi pagkatapos nilang mag-away paalis na si Roby papuntang US. Oh nangyari sayo??" pano kase nganga ako habang naniningkit ang mga mata. Eh sino bang hindi??

"Para isummarize ang kwento mo nag-away sila dahil sinaktan ni orb si Louise slash Ella slash Angel???! Bakit kasi iba-iba ang tawag nyo kay Louise?"

"Yung Ella hindi ako alam kung bakit yun ang tawag ni Roby sa kanya. Yung Angel mahabang kwento eh... mga bata pa kami nagsimula yun."

"So yoon din ang dahilan kung bakit ayaw ligawan ni G si Louise gamit ang Roby moves..."

"Kase para narin nyang pinapaalala kay Louise kung pano sya niligawn ni Roby" eh?? Di naman alam ni Louise na nililigawan sya noong mongoloid ah. Ang gulo!

"Okay... salamat ng marami sa pagkwekwento" tas umalis nako.

"Teka lang Alex. Walang ibang dapat maka-alam nang kwinento ko sayo. Kahit si Roby. Hindi nya pa kasi alam na si Louise si Angel."

"Sus yun lang pala. Ge alis na ako " hahakbang palang ako nang...

"Teka lang Alex last na! Wag mong sasabihin kay Ivan na sinabi ko sayo. Ayaw nya kasing malaman ng iba ang nangyari dati."

"Eh sino pa bang ibang nakakaalam nun?"

"Si Ivan" sa sinabi nya napa face palm ako. Seryoso Nico?? "Oh bakit??"

"Wala ka nang sasabihin?" tumango sya. Iniwan ko na sya at pumunta sa klase ko. Malelate na ako eh. Ayokong magka bonus ng sermon.

***

"Hoy orb!! Ano bang ginawa mo at galit na galit na naman si Des??!!" bungad ko sa kanya nang sagutin ko ang tawag nya. Pano lahat ng galit ni Des kay orb binuhos sakin. Di ko tuloy nakain nang maayos yung kinakain ko. Badtrip!

(Makikipag-ayos...) rinig-rinig ko pa ang pagbungisngis nya.

"Kaya naman pala!! Di ka pa pala nakipag-ayos sa kanya!!"

(Yun na nga Erb makikipag-ayos na ako eh kaso lalapit palang ako tinatarayan na ko. Kinulit ko na lang sya lalo hahahaha!!)

"Lecha ka orb!! Nagagawa mo pang tumawa dyan!! Nag-effort na ako para masolo mo kahit saglit si Des nang maka-usap mo ng maayos tas sinayang mo lang!! Pano mabubuo ang DeBy nyan??!!"

(Hahahaha! Eh erb ang cute-cute nya kasi kapag naaasar at nagagalit eh...) cute ka dyan! Eh yun pa nga lang thought na galit na galit at pikon na pikon si Des nakakatacute na!

"Bahala ka orb! Kapag lalong naasar sayo yun ewan ko na lang."

(Trust me erb. Partida ikaw pa ang personal cupid ng loveteam namin.)

"Hay nako... sabi mo eh---- ANO BA!! KELANGANG MANULAK?!!" bulyaw ko sa lalaking tumatakbong tinulak ako kahit di nya maririnig kasi malayo na sya. Buti na lang di nalaglag tong phone ko. Pag nagkataon humanda sakin yun "Orb nandyan ka pa? Orb?!!" walang hiya!! Pinatayan nako. Role ko yun eh!!

Nakita ko naman si orb doon sa open field. Hintayan mo ako orb. Hindi pa tapos sermon ko!

Malapit na ako sa kanya at ready na para sa continuation ng sermon ko kaso natigil ako. Sure ako si Louise yun. Sya lang naman ang may gandang nakakapagpatulala sakin ng ganto.

Ang masasabi ko lang ay... AWKWARD. Mukhang shocked sila na makita ang isat-isa.

Dahil gusto kong pakinggan kung ano man ang sasabihin nila sa isat-isa lumapit ako pero syempre kailangan di ako mahahalata. Nagtago ako sa likod ng isang puno malapit sa kanila.

That Secret GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon